KABANATA 45

2013 Words

INIPON ko lahat ng lakas ng loob ko. Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya. Nangangalumata. Magulong buhok at pumayat ang mukha niya pero hindi naman ang katawan. Ang kaninang mga matang tila mabagsik ay ngayon naging malambot na. Kitang-kita ko ang pangungulila at pagod sa mga mata niya. "Kapag may sobra sa karinderya, pinapaubos niya kaya dinadalhan niya din ako," malamig pa sa yelo ang boses ko. Nagawa kong maitawid ng hindi gumagaralgal ang boses ko. Pero sa totoo lang, nag-pa-panic ako ayoko lang mahalata niya na nagulo ang sistema ko ngayong nagpakita na siya. Kumibot ang kilay nito at tinitigan pa ako ng mas mabuti na tila binabasa niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Gusto ko tuloy matawa na para yatang pinagbibintangan niya pa ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. "Wala k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD