CHAPTER 23

2053 Words
Nagising ako ng masakit ang aking ulo at dahan-dahang tumayo sa kama. Inilibot ko ang aking paningin at nagtaka dahil wala ako sa mismong bahay ko. Napadako ang tingin ko sa may pintuan nang bumukas ito at pumasok naman si Macelyn na may dalang tray ng pagkain at napangiti naman ako na kasunod niya rin si Madeline na may hawak na isang tasa ng kape. Inilapag ni Macelyn ang tray sa lamesa at umupo sa aking tabi. “Papa here’s your coffee,” abot sa akin ni Madeline ng kape. “Thank you baby girl,” hinalikan ko naman siya sa kaniyang pisngi at ginulo pa ang kaniyang buhok na ikinanguso niya. “Papa naman, I’m not a baby anymore!” “Para kang mommy mo ayaw ng magpatawag ng baby girl” “Paano ba naman kasi kuya dalaga na ‘ko noon baby girl pa rin ang tawag mo sa’kin,” irap niya pa sa akin. “And now I’m happy that you found him at nagkaroon pa kayo ng makukulit na kambal” “Don’t worry kuya magkakaroon ka rin niyan” “Where’s mama Tin? Hindi pa ba siya uuwi papa? I want to be a model like her!” “Naku baby kung gusto mo maging model dapat hindi possessive ang magiging boyfriend mo balang araw like your papa,” sabay tingin sa akin ni Mace pagkasabi niyang iyon. “Hindi ako possessive ah! Ayoko lang talaga na may tumitingin sa katawan niya” “Ganoon din ‘yon kuya. Kita mo may palasing-lasing ka pang nalalaman diyan. Wala ka bang tiwala kay Kristine kuya?” “Meron naman Mace kaya lang__” “Kaya lang ano kuya? Natatakot ka na baka bigla kang ipagpalit na lang ni Tin sa mas guwapo at mas hunk pa sa’yo?” Napahinto akong bigla sa paghigop ng aking kape at napataas pa ang aking kilay na napatitig kay Macelyn. “Wala ng mas hihigit pa sa akin Mace!” “Iyon naman pala kuya eh. Dapat may tiwala kayo sa isa’t-isa ‘no. Saka remember kuya ikaw ang nakipaghiwalay sa kan’ya noon tapos gumaganiyan ka pa” “I know my mistakes Mace kaya nga hindi ko na hahayaan pang magkahiwalay kami” Pagkatapos kong mag-almusal ay umuwi muna ako sa bahay para makapagpalit naman ng damit bago pumasok sa opisina. Naabutan ko namang nag-aayos si Nana Lumen ng mga halaman sa garden at kaagad ko naman siyang nilapitan. “Nana Lumen bakit ikaw po ang gumagawa niyan? Nasaan si mang Domeng?” “Hay naku hijo lalo akong manghihina nito kapag walang ginagawa. Kaya hayaan mo na ako ito na lang kasi ang libangan ko eh.” Sadyang napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa pagpupumilit ni Nana Lumen. Noong kakauwi ko lang kasi galing sa France ay bigla namang nagkaroon ng mild stroke si Nana Lumen, at mabuti na lamang ay naririto sa bahay si Marco at Macelyn kaya kaagad namin siyang naisugod sa ospital. Ang sabi ni Marco hindi dapat masyadong napapagod si Nana Lumen at marami na ring ipinagbawal na mga pagkain sa kaniya kaya ingat na ingat na rin kami sa mga kinakain niya ngayon. Possible raw na mastroke ulit siya at hindi alam kung makakaligtas pa siya. “Basta Nana Lumen iyan na lang ang gagawin mo ha? At pagkatapos niyan pumasok na kayo sa loob okay?” “Opo Mazer,” natatawa naman niyang wika sa akin. “Siya nga pala Mazer kailan ba ang uwi ni Kristine rito sa Pilipinas?” biglang tanong niya sa akin. “Hindi ko po alam Nana Lumen kasi may kontrata siya ro’n eh. Baka ako na lang po muna ang pupunta roon kapag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin sa opisina” “Ah ganoon ba? Hindi ko pa pala ulit siya makikita,” malungkot niyang wika. “Nana Lumen magkikita pa naman po kayo. Iyon nga lang baka matagalan pa. At saka kung gusto niyo naman siyang makita puwede naman natin siyang i-vedio call” “O sige hijo. Namimiss ko lang kasi siya at gusto ko kasing may makakasama ka na rito kapag once na nawala ako” “Nana Lumen!” sigaw ko sa kan’ya na ikinatigil niya. Huminga muna ako ng malalim at muli siyang binalingan. “Nana Lumen don’t you ever say that again. Hindi magandang biro ‘yan” “Mazer mahina na ako at kung ano-anong sakit na ang nararamdaman ko” “Nana Lumen gagaling pa kayo basta sundin niyo lang si Marco okay?” “O siya sige na pumasok ka na sa loob at baka mahuli ka pa sa trabaho mo. Ikaw talagang bata ka kung kailan nagkabalikan na kayo ni Kristine may palasing-lasing ka pang nalalaman diyan.” Nailing na lang ako dahil sa munting sermon niya. Pumasok na ako sa loob upang makapagpalit ng damit at para makapasok na rin sa aking opisina. Habang nagmemeeting naman kami ng aming empleyado ay panay naman ang tingin ko sa aking telepono kung nagtext o tumawag ba si Kristine ngunit kahit isang text or chat man lang ay wala. Pabagsak ko itong ipinatong sa lamesa at sabay humalukipkip. Nagtinginan naman sa akin ang lahat ng empleyado na naririto ngayon sa conference dahil sa aking tinuran. “Is there any problem Mr. Brilliantes?” tanong sa akin ng isang may edad na lalaki at siyang speaker ngayon sa meeting. “N-nothing sir, I’m sorry.” Napabuntong hininga na lang ako at pumikit ng mariin. Pinipigilan ko na lamang ang sarili kong mainis dahil kahapon niya pa ako hindi tinatawagan o kaya tinetext. Ilang beses ko na siyang tinatawagan kanina pero hindi ko naman makontak ang kaniyang numero na mas lalong ikinainis ko. Pagkatapos ng meeting ko ay dumeretso ako kaagad sa aking opisina at pabagsak na naupo sa aking swivel chair at hinilot ang aking sentido. Hindi ko naman namalayang kanina pa pala ako pinagmamasdan ng dalawa kong kaibigan na si Seff at Lyka na nakatayo pa sa harapan ng aking lamesa. “Bakit parang ang init yata ng ulo mo ha Mazer?” tanong ni Lyka at sabay upo sa visitors’ chair at ganoon din si Seff. “Don’t tell me break na naman kayo ni Sweety mo?” pang-aasar na wika naman ni Seff. “Kahapon pa ako naghihintay ng tawag niya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang tawag or text man lang. Baka nga kasama niya pa ‘yong kumag na ‘yon eh!” “Iyon naman pala ang ipinuputok ng butse mo eh, nagseselos ka kaya ka gan’yan,” saad ni Lyka. “May karapatan akong magselos she’s my girlfriend. May tiwala naman ako kay Kristine, pero sa kumag na Wilfred na ‘yon wala!” “Alam mo dude kapag mahal ka talaga ni Kristine kahit sino pang lalaki ang magpakita ng motibo sa kan’ya hindi niya papatulan ‘yon. Parang tayo lang ding mga lalaki, kapag marunong tayong magpigil na hindi tumayo ang alagad natin hindi ito tatayo not unless kung ipinanganak kang malibog” “Wow makapagsalita kala mo nakatikim na siya ng pepperoni,” wika ni Lyka na alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Anong pepperoni?” takang tanong ni Seff. “E ‘di kabibe!” “Bakit ikaw nakatikim ka na ng alagad?” “Hindi pa!” “Baka gusto mong ipalasap ko sa’yo kung gaano kasarap sa langit” “Tsee! Hindi ikaw ang gusto kong makasama sa langit!” Napapailing na lang ako dahil sa bangayan ng dalawa. Tumayo na ako para umuwi na dahil hindi lang ako makakapagtrabaho ng maayos kapag ganitong hindi ko pa nakakausap si Kristine. Nang makauwi na ako sa bahay ay naabutan ko naman si Nana Lumen na papasok na sa kaniyang kuwarto at tinawag ko muna siya para kumustahin. Simula noong magkasakit siya ay palagi ko na siyang binibisita sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho ganoon din si Macelyn araw-araw naman siyang tumatawag kay Nana Lumen para kumustahin din ang lagay niya. “Uminom na ba kayo ng gamot Nana Lumen?” “Oo hijo kanina pa” “Sige po matulog na kayo mamaya na lang po ako kakain.” Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita. “Ah Mazer,” “Yes po Nana Lumen?” Nagtaka naman ako dahil iba ang ngiti niya ng tignan niya ako. May nangyari sigurong maganda kaya masaya siya ngayon. “May bisita ka sa taas” “Sino naman po? At bakit nasa taas?” “Sige na pumunta ka na sa kuwarto mo para makita mo siya.” Tinulak-tulak niya pa ako para paalisin. Habang paakyat naman ako ay hindi ko maiwasang isipin na sana ay tama ang hinala ko. At nang makarating na ako sa tapat ng aking kuwarto at dahan-dahan ko nman itong binuksan. Madilim sa loob at kahit isang ilaw ay wala man lang nakabukas. Lumapit ako sa gilid ng aking kama upang buksan ang lampshade at nang mabuksan ko na ito ay tumambad naman si Kristine na nakahiga sa aking kama at himbing na himbing sa kaniyang pagtulog. Hindi naman ako makapaniwala sa aking nakikita na naririto ngayon si Kristine at kasama ko. Pumikit muna ako at huminga ng malalim para masiguro kung panaginip lang ba itong nakikita ko. Sa aking pagdilat ay doon lamang ako naniwala na hindi ito basta panaginip, totoong nandito siya ngayon sa aking kuwarto at kasama siya. Pero anong ginagawa niya rito? Saka paano siya nakapunta rito? Ang alam ko ay may kontrata siya roon at hindi pa puwedeng umuwi hangga’t hindi pa ito natatapos. Tumabi ako sa kaniya at marahang hinaplos ang mukha niya. Napangiti na lang ako dahil mukhang pagod na pagod siya at ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko siya makontak at hindi rin siya tumatawag sa akin. “You want to surprise me huh?” wika ko habang siya ay natutulog at titig na titig sa kaniyang mukha. Humiga ako sa kaniyang tabi at hinalikan ang balikat niya. Gumalaw siya ng bahagya at ipinagpatuloy ko pa rin ang paghalik sa kaniyang balikat. Sobra ko siyang namiss at hindi ko akalain na mapapaaga siya ng uwi. Pinatay ko muna ang ilaw at muling nahiga. Hindi ko na magawang makapagpalit muna ng damit dahil mas nasabik ako sa kaniya. Wala parin siyang kamalay-malay na kanina ko pa siya hinahalikan at hindi ko na napigilan pa na pisilin ang kaniyang isang dibdib kaya naman doon na siya napabalikwas ng higa at saka mabilis na binuksan ang lampshade. “Hey sweety it’s me,” wika ko sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat at mabilis na yumakap sa akin. Mahigpit ko naman siyang niyakap at hinalikan ang kaniyang buhok. “I miss you soo much my heart,” bulong naman niya sa akin. “Why you didn’t tell me na uuwi ka rito? Sana nasundo kita,” kumalas siya sa akin ng pagkakayakap at hinarap ako. “I want to surprise you that’s why” “How about your work?” “I quit,” sagot niya kaagad sa akin. “W-what? But why? Paano ‘yong kontrata mo sa kanila?” takang saad ko. “You don’t have to worry kasi naasikaso ko na ‘yon. Mas importante ka kaysa sa lahat” “You give-up your work because of me.” Napayuko naman ako dahil iniwan niya ang trabaho niya para sa akin na dapat ay ako mismo ang gumawa noon. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako ng mabilis. “Dito ko na ipagpapatuloy ang trabaho ko kasama ka. May sapat naman akong ipon para magtayo ng sarili kong negosyo. Ayaw mo ba?” “Syempre sweety gusto ko. Ikaw lang ang inaalala ko” “I want to be with you Mazer kaya mas pinili kita kaysa sa trabaho ko.” Pagkasabi niyang iyon ay muli niya akong niyakap. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa at bukas na bukas din ay ihahanda ko na ang sorpresa ko sa kaniya na matagal ko ng pinlalo para sa aming dalawa. Gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama siya, isang masayang pamilya na kukumpleto sa pagkatao ko. Siya lang ang babaeng gusto kong pakasalan at magiging ina ng mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD