CHAPTER 24

1909 Words
Maaga akong nagising at iniwan ko muna si Mazer na himbing na himbing pa sa kaniyang pagtulog. Masyado siyang napagod kagabi dahil dalawang beses na sunod lang naman niya akong inangkin at humirit pa siya ng madaling araw. Desidido na talaga siyang buntisin ako, gusto ko rin naman ‘yon dahil gusto ko na ring bumuo kami ng sariling pamilya. Bumaba ako at nagtungo sa kusina nakita ko si Nana Lumen na nagluluto na ng almusal. Lumapit naman ako sa kan’ya at binati siya. “Good morning po Nana Lumen” “O hija gising ka na pala. Ang aga mo naman yata?” “Gusto ko po kasing ipagluto sana si Mazer ng almusal” “Talaga ba? O sige hija tutulungan kita. Alam mo bang masaya ako kasi nagkabalikan na kayong dalawa,” masayang wika niya sa akin. “Ako rin po Nana Lumen. Akala ko nga po hindi na niya ako mahal noon kasi ayaw niya akong kausapin at dahil galit siya sa’kin sa pag-iwan ko sa kan’ya. “Hija, mahal na mahal ka ng alaga ko. Simula noon hanggang ngayon wala siyang ibang minahal kun’di ikaw lang. nasaktan lang siya sa pag-alis mo pero aminado naman siya na may pagkakamali siya at hindi niya maitatanggi na mahal ka pa niya,” paliwanag naman sa akin ni Nana Lumen. Lumapit ako sa kan’ya at niyakap siya. “Thank you Nana Lumen sa pagpapalaki mo sa kan’ya. Nawalan man siya ng mga magulang pero nand’yan ka pa rin at kasama niya.” Kumalas ako ng pagkakayakap sa kan’ya at hinarap siya. “Kaya Nana Lumen magpalakas ka okay?” Ngumiti lamang siya sa akin at binalingan ang kaniyang niluluto. Nagpatulong naman akong magluto sa kan’ya dahil ang gusto ko kapag mag-asawa na kami ni Mazer ay ako mismo ang magluluto ng mga paborito niyang pagkain. At nang matapos na kami ay napangiti ako nang makita ko ang niluto ko para sa kan’ya. Simpleng pagkain lang pero masaya ako dahil ito ang unang araw na ipinagluto ko siya. Siya kasi ang madalas na nagluluto para sa akin at ngayon ay ako naman ang nagluto para sa kan’ya. Nagtungo na ako sa kuwarto niya dala ang pagkaing niluto ko. Binuksan ako ang pintuan at nakita kong natutulog pa si Mazer. Inilapag ko muna sa side table ang tray na may lamang pagkain at tumabi muna sa kan’ya. Niyakap ko siya at nagsumiksik sa kaniyang katawan. Ang sarap lang niyang yakapin at hindi ako magsasawang yakapin siya buong maghapon. Gumalaw naman siya ng bahagya at niyakap din ako. Hinalikan niya ang aking noo at idinilat ang isa niyang mata. “Good morning sweety,” paos niyang wika. “Good morning my heart. Tara breakfast ka na pinagluto kita,” pagmamalaki kong saad sa kaniya. Gulat niya akong tinitigan na hindi makapaniwala sa aking sinabi. “Really? Marunong ka nang magluto?” “Hmmn. Tinuruan ako ni Nana Lumen. Gusto ko kasi ako ang magluluto sa’yo lalo na pagkagaling mo sa office.” Malapad siyang ngumiti sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “I like that sweety. I love you so much Kristine,” paos niyang wika. Kumalas ako sa kaniyang pagkakayakap at tinitigan siya. “I love you more my heart.” Hinalikan naman niya ako at mas lalo pang lumalim ang aming mga halik. Ako na ang kumalas dahil kilala ko si Mazer kapag nagiging ganoon na siya ay iba na ang iniisip ko. Tumayo na ako at inilapag sa kama ang tray. Namangha naman si Mazer dahil sa mga pagkaing hinanda ko. “Are you sure sweety na ikaw ang nagluto niyan?” “Oo naman bakit?” “Kasi last time na nagluto ka ng hotdog kulang na lang maging lechon hotdog ‘yon eh. Saka iyong itlog imbes na sunny side up naging giniling na itlog,” natatawa niyang wika sa akin. Napanguso naman ako at kunwa’y nagtampo sa kan’ya. “Hindi ka talaga naniniwala na ako ang nagluto niyan?” lumapit naman siya sa akin ang niyakap ako sa aking likuran. Inilagay niya pa ang baba niya sa aking balikat. “Of course I believe you, niloloko lang kita kaya ‘wag ka nang magtampo. After natin mag-breakfast may pupuntahan tayo.” Tumingin naman ako sa kan’ya habang nasa ganoong ayos pa rin kami. "Saan tayo pupunta?" “Basta sweety it’s a surprise malalaman mo rin mamaya.” Pagkatapos naming mag-almusal ay kaagad naman kaming umalis at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Mazer. Kanina ko pa siya tinatanong pero hindi naman niya ako sinasagot. Maya-maya ay huminto kami at humarap siya sa akin. “Sweety close your eyes” “Ha? Bakit?” takang tanong ko sa kan’ya. “Basta sweety please?” Sinunod ko naman siya at narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse hudyat na nakababa na siya. Binuksan naman niya ang pinto ng passenger seat at inalalayan akong makababa. Wala akong ideya kung ano ang sorpresa niya sa akin pero naeexcite ako at gusto kong idilat ang aking mga mata. Huminto kami sa paglalakad at hindi ko na maramdaman ang kamay ni Mazer na nakahawak sa aking braso. “My heart can I open my eyes?” “Sure sweety.” Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at takang tinignan si Mazer. Lumapit siya sa akin at hinapit ang aking bewang. “M-mazer, k-kaninong bahay ‘to?” nauutal kong saad sa kan’ya. “Our house sweety” “W-what?” “This is our home sweety. Kung saan tayo bubuo ng sarili nating pamilya. Dito natin palalakihin ang mga magiging anak natin.” Maya-maya ay napansin kong may kinuha siya sa kaniyang bulsa at bumungad ang isang kulay red na box. Binuksan niya ito at iniharap sa akin. Isa itong diamond ring na kitang-kita ko pa kung paano ito kuminang. Maluha-luha ko siyang tinignan at nakangiti naman siya sa akin. “M-mazer” “Will you marry me Kristine? Are you ready to be Mrs. Brilliantes?” Hindi kaagad ako nakasagot at napayuko na lamang ako. Hindi ko akalain na sa pagbabalik ko ay yayayain na ako ni Mazer magpakasal. Matagal ko ng pangarap ito, ang makasal sa taong mahal ko at mamahalin ako habang buhay. Akala ko noon ay si Marco na ang tanging lalaki para sa akin, hindi pala. Si Mazer ang muling nagpatibok ng puso ko at minahal ako ng sobra. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol at niyakap na lang ako ni Mazer. “Nakakainis ka naman! Hindi ako ready,” umiiyak kong turan sa kan’ya. Natawa naman siya at pinunasan ang aking mga luha. “Syempre sweety surprise nga eh. Hindi mo pa ako sinasagot Kristine. Will you marry me?” “Of course I will marry you. Nabigla lang ako.” Pagkasabi kong iyon ay sinuot na niya sa akin ang singsing at hinalikan ang aking kamay. “Mahal na mahal kita Kristine, sobrang mahal na mahal kita.” Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili at kusa na namang pumatak ang aking mga luha. “Mahal na mahal din kita Mazer. You are my life and everything. Ikaw ang puso ko, dahil kapag nawala ka parang nawalan na rin ako ng buhay” “That could never happen sweety.” Pagkasabi niyang iyon ay masuyo niya akong hinalikan sa mga labi at hindi ko namalayang naihiga na pala niya ako sa sofa. Natigilan naman kami ng biglang tumunog ang cellphone ni Mazer na nasa kaniyang bulsa. Tumayo muna siya at naupo sa aking tabi para sagutin ang tawag. “Yes Mace?” Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero kaagad siyang napatayo at sinulyapan ako. Taka ko siyang tinitigan at napatayo na rin. “ Okay papunta na kami riyan! Don’t cry Mace she’ll be okay walang mangyayaring masama sa kaniya.” Pagkatapos niyang kausapin ang kapatid niya ay binalingan naman niya ako. “Anong nangyari Mazer?” Maluha-luha naman niya akong tinignan. “Si Nana Lumen daw inatake na naman. We should go sweety.” Nagmamadali naman kaming umalis at mabilis na nagtungo sa ospital kung saan dinala si Nana Lumen. Habang nasa biyahe kami ay panay naman ang aking dasal na sana ay maging maayos siya at walang mangyaring masama sa kaniya. Magkahawak kami ng kamay ni Mazer nang pumasok sa ospital at tinungo ang E.R. At nang makarating na kami roon ay napahinto si Mazer sa paghakbang nang makita niya na nirerevive na ni Marco si Nana Lumen. Sa gilid naman niya ay ang walang tigil na pag-iyak ni Macelyn. Napadako ang tingin ni Macelyn sa amin na halos puno na ng luha ang kaniyang mga mata. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap habang hinahagod ang kaniyang likod. Dahan-dahan nang lumapit si Mazer at nakatingin lang kay Nana Lumen habang si Marco naman ay patuloy sa kaniyang ginagawang pagrevive. Hinawakan ni Mazer ang braso ni Marco kaya biglang napahinto si Marco sa kaniyang ginagawa. Umiling si Mazer hudyat na ipinapatigil na niya ang ginagawa kay Nana Lumen. “No kuya! Magigising pa siya. Babe please do something!” Sigaw ni Macelyn sa kaniyang asawa at ako nama’y nakatingin lang kay Mazer habang hawak niya ang kamay ni Nana Lumen na wala ng buhay. “Babe kanina pa natin ginagawa ‘yon pero wala na talaga. Wala na siyang heartbeat,” malungkot na wika ni Marco kay Macelyn. Lumapit ako kay Mazer at hinagod ang kaniyang likod na ngayo’y nagpipigil lang na maiyak. Ngunit sadyang hindi na niya ito napigilan pa at naitakip niya ang isa niyang palad sa kaniyang mukha at humahagulgol. “Nana Lumen why? Hindi ba’t nangako ka na hindi mo kami iiwan? But why Nana Lumen?!” sigaw niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. “Aaaah! f**k! Please Nana Lumen wake up! Gusto kong ibalita sa’yo na ikakasal na kami ni Kristine. Hindi ba’t iyon ang gusto mo para sa’min? Bakit naman ngayon pa?” Hindi ko na rin mapigilan pa ang maiyak dahil sa mga binibitawang salita ni Mazer. Si Nana Lumen ang nagsilbing magulang nila sa mahabang panahon. Inalay sa kanila ang pagmamahal na hindi na nila mararanasan kailanman sa kanilang mga magulang. At heto naman ngayon iniwan na sila ng kaisa-isang malapit sa kanila at hindi na nila makakasama pa. Itinuring din niya akong parang isang anak simula noong naging magkasintahan kami ni Mazer. Naging malapit ako sa kaniya dahil wala na rin akong magulang at sa kaniya ko naranasan kung paano mahalin ng isang ina kaya masakit din sa akin ang pagkawala ni Nana Lumen. “Pahinga ka na Nana Lumen. We love you soo much.” Hinalikan ni Mazer si Nana Lumen sa noo at ganoon din si Macelyn at niyakap pa nito bago dalhin sa morgue. Aalis na sana kami sa E.R nang biglang nakaramdam ako ng kirot sa bandang tiyan ko kaya napahinto ako sa aking paghakbang at taka namang napatingin sa akin si Mazer. “Hey sweety are you okay?” may pag-aalalang wika niya. “Y-yes I’m okay medyo sumakit lang ’yong tiyan ko” “Halika magpatingin ka baka kung ano na ‘yan” “My heart okay lang ako. Saka baka magkakaro’n na ‘ko kaya medyo sumakit ‘yong tiyan ko,” pagdadahilan ko sa kan’ya. Ayoko siyang mag-alala dahil alam kong mabigat pa ang dinadala niya ngayon at ayokong dumagdag pa sa kaniyang alalahanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD