Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong mailibing namin si Nana Lumen. Tatlong araw lang namin siyang ibinurol dahil tanging isang kapatid lang niya at mga pamangkin ang natitira niyang kamag-anak at ayaw na rin kasi ni Mazer na patagalin pa iyon dahil habang nakikita niya si Nana Lumen ay lalo lamang siyang nasasaktan.
Gumising ako ng maaga para naman ipagluto si Mazer ng almusal. Lumipat na rin kami at dito na kami sa binili niyang bahay kami tumutuloy. Tatlong araw pagkatapos ng libing ay nagpasya na si Mazer na dumito na kami dahil habang naroroon daw kami sa dati nilang bahay ay naaalala lang daw niya si Nana Lumen. Pinagluto ko na lang siya na kadalasan naming kinakain tuwing umaga at kapag nakaalis na siya ay dederetso naman ako sa bahay nila Macelyn para magpaturo sa kan’ya ng iba’t-ibang putahe. Kapag kinasal na kami ni Mazer ang gusto ko ay ako ang magluluto sa kan’ya ng almusal bago siya pumasok sa kaniyang opisina.
Naghanda lang ako ng hotdog and egg saka tinapay at pinagtimpla na rin siya ng paborito niyang black coffee. Habang naghahanda naman ako ng aming almusal ay nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran. Napangiti na lang ako at humarap sa kan’ya. Halata naman sa kan’ya na kagigising lang niya at medyo gulo pa ang buhok at walang suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang kaniyang suot. Kahit na bagong gising siya ay parang ang sarap-sarap niyang papakin lalo na’t nakikita ko pa ang abs niya na hindi ko pinagsasawaang himasin gabi-gabi. Napailing na lang ako sa aking mga naiisip at hinalikan siya ng mabilis sa kaniyang mga labi.
“Nagugutom ka na ba?” wika ko sa kaniya. Imbes na sagutin niya ako ay hinapit niya ang aking bewang at sinubsob ang mukha niya sa aking leeg.
“Tinatamad akong pumasok sweety. Balik tayo sa kuwarto,” paos niyang wika sa akin. Tinampal ko naman siya ng mahina sa kaniyang braso.
“Ano ka ba hindi puwede. Hindi porke ikaw ang boss magagawa mo na ang mga gusto mong gawin.” Lumayo siya sa’kin at hinarap ako.
“Oo na, papasok na po ako,” nakangusong wika niya. Umupo na siya sa dining table at ako na ang nagsandok ng kaniyang pagkain. Pinagmamasdan naman niya ako habang ginagawa ko ‘yon.
“Bakit gan’yan ka makatingin?”
“Because you look like my wife now.” Natigilan naman ako at seryoso naman siyang nakatitig sa akin. Kinuha niya ang isang kamay ko at masuyo itong hinalikan. “Let’s get married as soon as possible Kristine,” ani Mazer.
“Kailan mo ba gusto?”
“Tomorrow?”
“Ewan ko sa’yo Mazer,” sabay bawi ng kamay ko na hawak niya.
“Next month sweety. Pakasal na tayo.” Seryoso ko siyang tinitigan kung nagbibiro ba siya na gusto na niyang magpakasal agad-agad. Dalawang linggo pa lang noong magpropose siya sa akin at iyong araw na rin ‘yon na nawala na sa piling namin si Nana Lumen.
“Are you serious my heart?”
“Gusto kong maging akin ka na ng buong-buo Kristine at gusto ko ng ibigay sa’yo ang apelyido ko. Ayaw mo ba?”
“Syempre gusto ko. Kaso hindi ba masyadong maaga kasi ‘di ba kamamatay pa lang ni Nana Lumen?”
“Mas matutuwa si Nana Lumen kapag kinasal na tayo dahil iyon ang sabi niya sa’kin noong nabubuhay pa siya. Pakasalan na raw kita kapag nagkabalikan na tayo. Sayang nga lang hindi na niya masasaksihan iyon,” malungkot niyang wika sa akin. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at iniharap sa akin.
“Okay my heart let’s get married,” malapad siyang ngumiti sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. Pagkatapos naming mag-almusal ay si Mazer na ang nagpresintang maghugas ng aming kinainan at ako nama’y hinahanda na ang kaniyang susuotin pang-opisina. Napapangiti na lang ako dahil hindi pa man kami kasal pero masaya ako dahil nagagampanan ko na ang pagiging asawa sa kaniya. Ito ‘yong pinapangarap namin noon pa ang magkaroon na ng sariling pamilya.
Pupunta na sana ako ng banyo para ihanda naman ang pampaligo niya nang biglang kumirot ang ulo ko at parang umiikot ang aking paningin. Umupo muna ako sa gilid ng kama at hinilot ang aking sentido. Madalas kong nararamdaman ito pero ipinagsasawalang bahala ko na lang dahil baka pagod lang ako sa pagpapatayo ng aking sariling boutique at mag-aasikaso pa ako rito sa bahay. Naabutan naman ako ni Mazer sa ganoong ayos at kaagad niya akong dinalohan.
“Hey sweety are you okay?”
“Okay lang ako my heart napagod lang siguro ako”
“Sabi ko naman kasi sa’yo na kumuha na lang tayo ng makakasama rito sa bahay para may nakakatulong ka”
“Hindi na kailangan kaya ko naman eh. At isa pa mas gusto kong pinagsisilbihan ka”
“Alright, pero kapag kinasal na tayo kukuha na tayo ng katulong dahil paano na lang kung mabuntis ka na?” Natawa naman ako sa kaniyang tinuran dahil para siyang bata sa kaniyang itsura. “Bakit ka tumatawa?”
“Wala! Para ka kasing bata eh”
“Gumagawa ng bata sweety,” nakangisi niyang wika sa akin. Napaikot na lang ang aking mata at tumayo na sa aking pagkakaupo.
“Sige na my heart maligo ka na kasi malelate ka na sa trabaho mo”
“Hindi ka ba sasabay sa’kin?”
“Sasabay na ‘ko papunta sa kapatid mo”
“I mean maligo sweety,” pinanlakihan ko naman siya ng mata at bumuga sa hangin.
“Mazer naman gabi-gabi na lang. Alam mo bang namamaga na ‘yong dyesebel ko sa’yo?!” inis ko namang wika sa kan’ya. Tumayo naman siya at niyakap na lang ako na medyo natatawa pa sa kalokohan niya.
“Just kidding sweety. Sige bukas na lang”
“Mazer!” Lumakas naman ang tawa niya na halatang iniinis lang ako.
“Sige na sweety maliligo na ‘ko.” Ngunit hindi pa siya nakakapasok sa loob ng banyo ng muli niya akong balingan. “Ayaw mo talagang sumabay?”
“Ayoko nga!” Lumabas na ako ng kuwarto at napapailing na lang dahil sa mga kalokohan niya.
Hinatid niya muna ako sa bahay nila Macelyn bago siya pumunta sa kaniyang opisina. Pagkapasok ko naman sa loob ay sinalubong kaagad ako ng kambal at tumatakbong palapit sa akin.
“Hi babies!” masayang bati ko sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.
“Hi mama Tin! Where’s papa?” tanong ni Madeline na nagpalinga-linga pa at hinahanap ang kaniyang papa Mazer.
“Nasa work na siya baby eh pero mamaya dadaan daw siya rito”
“May dalang pasalubong mama Tin?” saad naman ni Jk na mas excited pa sa pasalubong kaya natawa na lang ako.
“Yes Jk may pasalubong sa inyo si Papa Mazer niyo”
“Don’t call me Jk mama Tin”
“But why? What do you want me to call you? Baby?”
“I don’t like that either,” nakasimangot niyang saad.
“He want’s to call him Jazz.” Napalingon naman ako sa kung sino ang nagsalita at nakita kong si Macelyn na papalapit sa amin.
“Ayoko ng Jk kasi kapangalan ko ‘yong bestfriend ni mommy.” Natawa na lang kami ni Macelyn dahil sa kaniyang tinuran.
“Okay mga anak maglaro na muna kayo sa garden may gagawin lang kami ng mama Tin niyo.” Pagkasabi ni Macelyn noon ay nagtatakbo namang lumabas ang kambal at kami naman ni Macelyn ay nagtungo na sa kanilang kusina.
“Pasensya ka na sa abala Mace ha? Ikaw lang kasi ang makakatulong sa’kin eh. Wala pa kasi si Leslie rito sa Pilipinas next month pa raw siya makakasunod”
“Hay naku Tin ano ka ba? Ayos lang kaya! Saka isa pa magiging asawa ka na ni kuya at magiging hipag na kita,” nakangiti niyang saad sa akin.
“Salamat Mace ha? Kahit na alam mo na”
“Wala ‘yon Tin let’s forget about the past. Masaya si kuya sa’yo at nakikita kong mahal na mahal mo siya.
“Yes Mace I really love him. Saka gusto na niya kaming magpakasal next month.” Nagulat naman siya sa aking sinabi at napatutop pa ng kaniyang bibig.
“Really Tin?! Well, congrats! Dapat pala i-celebrate rin natin ‘yan”
“Sure! Kaya turuan mo na akong magluto dahil baka magsawa na si Mazer na panay prito na lang ang pinapakain ko sa kan’ya at bigla niya na lang akong hiwalayan kasi nauumay na siya sa pagkaing hinahain ko sa kan’ya,” biro ko naman sa kan’ya.
“That could never happen Tin. Baliw na baliw kaya sa’yo ‘yon si kuya”
“Aba dapat lang siya sa’kin mabaliw ‘no!” sabay naman kaming natawa habang hinahanda niya ang aming lulutuin.
“And double celebration din pala tayo ngayon”
“Bakit Mace may mag-birthday ba sa inyo?”
“I’m pregnant Tin.” Walang paligoy-ligoy na wika sa akin ni Mace.
“Congrats Mace! Ibang klase ang kamandag ni Marco ah!” naiiling at natatawa ko namang saad sa kaniya.
“Dapat kayo ni kuya mag-baby na rin, I’m sure Tin magiging mabuti siyang ama sa magiging anak niyo”
“Oo naman Mace. Ngayon pa nga lang nakikita ko na sa kan’ya kung paano siya mag-alaga ng baby eh”
“Masaya ako para sa inyo ni kuya”
“Salamat Mace.” Sana nga biyayaan na kami ni Mazer ng anak. Tama si Mace, magiging mabuting ama si Mazer sa magiging mga anak namin. Nangingiti na lang ako habang iniisip ang mga bagay na ‘yon.