CHAPTER 27

1695 Words
Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ni Macelyn kung saan bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Mazer. Ilang oras na rin ang lumipas na kahit isang katawan ay wala pa rin silang natatagpuan. Panay naman ang dasal ko sa aking isipan na sana ay mahanap kaagad si Mazer naniniwala akong buhay pa siya dahil nangako siya sa akin na hindi na niya ako iiwan pang muli. Matapos ang mahabang paghahanap ay dumaong na rin ang mga coast guard at kaagad ko silang nilapitan, sumunod naman sa akin si Macelyn at Marco. Napatingin ako sa kanilang bangka ngunit kahit isang katawan ay wala silang naiuwi. “S-sir ano na po ang balita?” naiiyak kong turan sa isa sa mga coast guard. “Ma’am ikinalulungkot po namin pero wala na po kaming makitang katawan. Ang hinala po namin ay baka inanod na sila at saka hindi na po kayang sumisid ng iba naming kasamahan dahil sa sobrang lakas nang alon at lalim na rin po ng dagat” “Hindi puwede ‘yon! Paano na lang si Mazer?! Mamaya nanginginig na sa lamig ‘yon! Hanapin niyo ulit siya pakiusap!” humahagulgol kong pakiusap sa coast guard. “Ma’am pasensya na po talaga__” hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin nang naglakad ako papunta sa dagat at lumusong doon. “Oh my god Tin what are you doing?!” sigaw ni Macelyn. At nang nakalusong na ako sa dagat ay hinablot ni Marco ang isa kong braso para pigilan ako. “Kristine nababaliw ka na ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” “Hahanapin ko si Mazer! Ayokong tumunganga lang, buhay pa siya Marco!” maya-maya pa ay si Mace naman ang lumapit sa amin. “Tin, pareho lang tayo nang nararamdaman. Masakit para sa akin kasi kapatid ko s’ya. Pareho tayong nahihirapan at hindi matanggap ang nangyari, ” umiiyak siyang hinarap ako. Tinignan ko ang malawak na dagat at pansin ko ang malakas na hangin at alon nito. Napahikbi na lang ako at napatutop sa aking bibig kapag naiisip kong wala na si Mazer. Naninikip ang aking dibdib at hindi makapaniwala sa nangyari sa kan’ya. “Aaaah! Mazer! My heart I know you can hear me! Please comeback to me Mazer! Mazer!” malakas na sigaw ko habang nakatingin sa malawak na dagat. “Kristine, naniniwala akong babalik si kuya hangga’t wala pang nakikitang katawan hindi pa siya patay,” humihikbing wika ni Macelyn sa ‘kin. “He promise me Mace! He promised! Alam kong tutuparin niya ‘yon” “Huwag tayong mawalan ng pag-asa Tin. Babalik si kuya kasi ayaw niyang nakikitang nahihirapan ka. Halika na umuwi na muna tayo.” Pagkatalikod naman namin ay biglang kumirot ang tiyan ko kaya napahawak ako rito. “Aray Mace!” sigaw ko dahil sa sobrang sakit nito. Mahigpit akong napakapit sa braso ni Marco at inalalayan naman nila akong makaahon sa dagat. “Oh my god Tin dinudugo ka!” gulat akong napatingin kay Macelyn na nakatingin sa aking hita. At nang sulyapan ko ito ay nanlaki ang aking mga mata na panay agos ng dugo sa aking hita. Hinawakan ko ito at nanginginig ang aking mga kamay na tinitigan ang dugo. “Halika Tin dadalhin ka namin sa ospital.” Mabilis akong binuhat ni Marco at isinakay sa kotse. Pagkarating namin sa ospital ay hindi ko na naalala pa ang sunod na mga nangyari dahil tulala ako at pakiwari ko’y nawala ako sa aking katinuan. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako habang ginagamot nila ako sa ospital. Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at lumapit kaagad sa akin si Macelyn at Marco nang makita nilang gising na ako. Umiiyak si Macelyn na hinarap ako at hinawakan ang aking kamay. “T-tin, H-hindi mo ba alam?” nauutal niyang wika. “Ang alin?”saglit muna siyang hindi nakapagsalita at nagkatinginan muna sila ni Marco na ikinataka ko. “Tin you’re seven weeks pregnant.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Macelyn pero halata ang lungkot sa kanilang itsura na dapat ay masaya sila kasi magkaka anak na kmi ni Mazer na matagal na niyang pinapangarap. “How’s my baby Mace?” Hindi siya nakapagsalita at ganoon din si Marco na tahimik lang na nakamasid sa amin ni Mace. “Mace? I’m asking you, how’s my baby?” garalgal kong tanong sa kan’ya. Pansin ko na may tumulong luha sa kaniyang pisngi na lalo kong ikinakaba. “T-tin, w-wala na ang b-baby mo.” Pagkasabi niyang iyon ay mariin akong napapikit at napahawak sa aking tiyan. Hindi ko man lang nalaman na buntis na pala ako. Ang anak na pinapangarap namin ni Mazer ay parang bula na bigla na lang naglaho. Napatapik ako sa aking noo at hindi na napigilan pang mapaiyak. “Aaaah! Why Mace?! Ano bang kasalanang nagawa ko bakit pati anak ko?! Hindi man lang pinaramdam sa ‘kin kung pa’no maging isang ina!” sigaw ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Nagwawala na ako dahil hindi ko matanggap na pati ang magiging anak namin ni Mazer ay nawala na rin “Tin calm down!” pigil sa akin ni Mace. Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin at akmang tatayo na nang pigilan naman ako ni Marco sa kabilang braso. “Kristine huminahon ka please” “Paano ako hihinahon Marco?! Hindi pa nakikita si Mazer pati ang magiging anak namin nawala na rin! Now tell me, how can I calm down?!” sigaw ko sa kan’ya habang patuloy pa rin akong umiiyak. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay nito gayong dalawang napaka importante pa ang nawala sa akin. Isa rin akong walang kwentang ina dahil hinayaan kong mawala ang anak namin ng ganoon na lamang. Ang tanga ko dahil hindi ko man lang siya naramdaman at binalewala ko ito. Tatlong araw pa ang nilagi ko sa ospital bago ako pinayagang makalabas at nakiusap sa kanila na dalhin muna ako kung saan naganap ang aksidente. Hindi na sila tumutol at sinunod na lang nila ang aking nais. Nang makarating na kami roon ay marahan akong bumaba at nagpunta sa dagat. Pinagmasdan ko ito na animo’y makikita kong muli rito si Mazer. Tumabi sa‘kin si Macelyn at matamang nakatingin din sa karagatan. “Babalik siya Tin, naniniwala akong babalik s’ya,” wika niya habang nakatingin pa rin sa malawak na karagatan. Pansin ko ang kaniyang pagluha at muli kong binaling ang tingin sa malawak na karagatan. “I don’t know how can I live without him Mace. Sa pitong buwan naming nagkahiwalay naging miserable na ang buhay ko noon ngayon pa kayang walang kasiguraduhan kung buhay pa ba ang kuya mo. Kasabay naman no’n kinuha ang sana’y magiging anak namin, paano ko pa kakayanin ‘yon Mace?” garalgal kong wika sa kaniya. Humarap siya sa ‘kin at ngumiti nang mapait. “You have to be strong Tin. Para kapag bumalik si kuya hindi siya mag-aalala dahil pinabayaan mo ang sarili mo. Trust me Tin mahahanap din s’ya at hindi ako nawawalan ng pag-asa sana gano’n ka rin.” Tumango lang ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Tama si Mace hindi dapat ako mawalan ng pag-asa at dapat hindi ko pabayaan ang sarili ko. Alam kong darating ang araw na babalik s’ya sa ‘kin at matutupad nang muli ang pinapangarap naming bumuo ng sariling pamilya. Ilang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin makita ang katawan ni Mazer. Iyong iba ay nahanap na pero wala ng buhay. Kaya lalong lumakas ang kutob ko na buhay pa rin s’ya at baka napunta lang siya sa ibang lugar. Kumuha na rin si Marco ng private investigator para mas mapadali ang paghahanap kay Mazer pero sa tuwing makakausap niya ito ay wala pa ring balita tungkol sa kan’ya. May mga oras na nawawalan na rin ako ng pag-asa pero sa tuwing makikita ko ang masayang litrato namin at ang bahay na pinagawa niya para sa amin ay nabubuhayan ako at patuloy na umaasang makakabalik siya sa piling ko. “Ate Kristine aalis na po kayo?” wika sa akin ni Rhodora habang inaayos ko ang aking gamit sa salas. “Oo Rhodora dahil marami rin akong gagawin sa opisina eh at isa pa dadalaw ako kay Ace” “Dito po ba kayo maghahapunan?” “Hindi na Rhodora baka sa labas na lang ako kumain. Magluto na lang kayo ni mang Domeng ng para sa inyo.” Pagkasabi kong iyon ay nagpaalam na rin ako at lumabas na ng bahay. Simula nang hindi pa namin nakikita si Mazer ay ako na ang gumagamit ng kaniyang sasakyan. Gusto kong isipin na kasama ko lang siya at kapiling ko pa rin s’ya. Mabilis naman akong nakarating sa sementeryo at kinuha sa likod ang dala kong bulaklak at ilang mga stuff toys. Nang mawala ang anak namin ni Mazer ay nagpasadya akong magpagawa ng puntod niya at pinangalanan ko siyang Ace. Hindi ko man naramdamang maging isang ina ay ipaparamdam ko naman sa kaniya ang maging ina sa kan’ya kahit na wala na s’ya. Inilagay ko sa puntod niya ang bulaklak at iba’t-ibang uri ng mga laruan. Naupo naman ako sa damuhan at hinaplos ng isang palad ko ang kaniyang lapida. Napangiti ako nang mabasa ang nakasulat doon. “Ace Brilliantes,” mahinang saad ko. “Maganda sana anak kung sa mismong birth certificate mo mababasa ang pangalan mo. Alam mo ba kung siguro nabuhay ka at ipinanganak kita kasing guwapo mo ang daddy mo. Pasensya ka na anak ha kung hindi ka naramdaman ng mommy hinayaan kong kunin ka sa ‘kin kaagad. Ang gusto ng daddy mo little Kristine, kaso hindi pa namin nakikita ang daddy mo eh, kaya Ace na lang ang pinangalan ko sa’yo para kahit wala ang daddy mo ginagabayan mo pa rin ako. Mahal na mahal kita anak, sana makita na natin ang daddy mo,” umiiyak kong turan. Nagtagal pa ako ng ilang minuto at nagpasya na rin akong umalis. Bago pa ako sumakay ng aking sasakyan ay sinulyapan ko muna ang puntod ni Ace at mapait na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD