CHAPTER 28

1712 Words
Marami akong nilutong iba’t-ibang mga putahe na paborito ni Mazer. Nagpatulong ako kay Macelyn na magluto para dadalhin namin sa sementeryo dahil ngayong araw ang kaniyang kaarawan at death anniversary ng kanilang mga magulang. Sabay-sabay na kaming pumunta doon kasama rin ang kanilang mga anak. Walong buwan na ang tiyan ni Macelyn ngayon sa pangalawang anak nila ni Marco. At ang maganda pa noon ay kambal ulit ang kanilang magiging anak. Kung sana ay maaga kong nalaman na buntis na pala ako e ‘di sana sabay kami ni Macelyn na manganganak. Ang kaso naging pabaya ako, hindi ko man lang naisip noon na buntis na pala ako. Maaga kaming nakarating sa puntod ng kanilang mga magulang at nagsindi na rin kami ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak. Inihain na namin ang mga pagkaing dala namin at syempre ipinatong ko sa gitna ng mesa ang litrato ni Mazer. Mapait akong ngumiti at pilit na pinapakalma ang aking sarili dahil alam kong nagbabadya na namang bumagsak ang aking luha. Napansin naman ito ni Macelyn kaya kaagad niya akong nilapitan at niyakap sa aking likuran at hinihimas ang aking braso. "I miss him Mace" “I miss him too Tin. At lalo na ang mga bata, hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang totoong nangyari sa kanilang papa Mazer.” Humarap ako sa kan’ya at pinunasan ang takas kong luha. “I miss him soo much Mace. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana buhay siya at nasa mabuting kalagayan. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana bumalik na siya,” naiiyak kong turan. “Babalik s’ya Tin. Dahil alam niyang hihintayin mo siya at hindi niya hahayaang masaktan ka ulit.” Tinignan ko ang malaki na niyang tiyan at hinimas ito. “I’m jealous. Kung nalaman ko lang sana ng maaga na buntis na pala ako e ‘di sana pareho tayong malaki ang tiyan ngayon,” natawa na lang ako ng pagak habang hinihimas ang tiyan ni Macelyn. “Wala kang kasalanan Tin, kahit naman noong pinagbubuntis ko sina Madeline at Jk hindi ko rin naman alam ‘yon at nalagay pa sa peligro ang buhay naming mag-iina. May awa rin ang diyos Tin, mahahanap natin si kuya at magkakaroon kayo ng maraming anak,” sabay naman kaming tumawa at lumapit naman sa amin si Marco. “How are you Kristine?” saad sa akin ni Marco at nakaakbay naman siya sa kaniyang asawa. Hindi ko naman lubos maisip na mabilis akong naka-move on sa kan’ya noon. Siguro ay alam kong hindi kami ang para sa isa’t-isa at nakalaan na siya kay Macelyn. Masaya naman ako dahil natagpuan nila ang tunay na pagmamahal at ganoon din naman ako kay Mazer. Kaya lang ay muli na naman kaming nagkahiwalay sa hindi inaasahang pangyayari at patuloy pa rin naman akong umaasa na isang araw ay kakatok siya sa pintuan ng bahay namin. “Pinipilit kong maging okay Marco dahil ayokong umuwi si Mazer na losyang na ang itsura ko magagalit sa ‘kin ‘yon dahil ayaw niya na pinababayaan ko ang sarili ko, ” biro ko sa kan'ya. “Good to hear that Tin. Kapag may kailangan ka nandito naman kami ni Mace, puwede mo kaming tawagan anytime.” Ngumiti naman ako sa kan’ya at maya-maya pa ay ang kambal naman ang lumapit sa amin. “Mommy, when will papa Mazer go home? We miss him soo much,” wika ni Madeline sa kaniyang ina. Napatingin naman sa akin si Macelyn at muling binalingan si Madeline. “A-anak medyo matatagalan pang makauwi si papa Mazer niyo eh, busy pa kasi siya sa trabaho niya” “Let’s call him na lang mommy baka hindi na siya busy right mama Tin?” baling naman sa akin ni Jk. “Jazz, nakausap ko kasi ang papa Mazer niyo sabi niya sa ‘kin busy daw talaga siya kaya hindi muna natin s’ya makakausap. Pero don’t worry nagsabi naman siya na bibilhan niya kayo ng pasalubong” “Totoo mama Tin?!” “Yes Jazz,” nakangiti kong wika sa kan’ya. “Mama Tin can we sleep over at your house? Miss ko na kasi si papa Mazer eh. We promise na behave lang kami,” pakiusap naman ni Madeline. Tumingin muna ako sa mag-asawa kung papayag ba sila na sa bahay muna matulog ang kambal. Ngumiti sila sa akin at tumango bilang pagpayag. “Okay!” “Yehey!” tumalon-talon pa sila at pagkuwa’y niyakap pa ako. Nagtagal pa kami sa sementeryo ng ilang oras at nagpasya na rin kaming umuwi. Dumaan muna ako sa bahay nila Macelyn para kumuha ng ilang gamit ang mga bata dahil sa bahay daw muna sila ng isang linggo. Tutal ay bakasyon na naman ng kambal kaya okay na magtagal sila sa bahay. Nang makarating na kami sa bahay ay nauna pa sila sa aking pumasok sa loob at nangingiti na lang akong sinundan sila. Binuksan kaagad nila ang t.v at sinaksak ang playstation na karaniwang nilalaro nila ni Mazer. Nakamasid lang ako sa kanilang ginagawa. Alam kong sobrang miss na miss na nila ang kanilang papa Mazer pero napagkasunduan namin nila Macelyn na itago muna ito sa mga bata dahil labis silang masasaktan kapag nalaman nila ang totoo. Lumapit ako sa kanila at nakigulo na rin. “Can I join you kids?” “Sure mama Tin! Ito po kasi ‘yong paborito naming laruin ni papa Mazer eh. Iyon nga lang hindi ko matalo-talo si Jk at papa Mazer sa guitar hero,” nakangusong saad ni Madeline. “Malay mo naman Madel matalo mo si mama Tin,’ nakangiting wika ni Jk na halatang nang-aasar. “Magaling naman ako sa guitar hero ah” “Kaya pala lagi kang natatalo ni papa Mazer,” natatawang turan ni Madeline. “Kayo talaga masyado niyo akong minamaliit. Sige nga laro tayo,” paghahamon ko sa kambal. Naglaro muna kami at ilang game pa ang nagdaan ay ibinaba ko na sa lamesa ang controller. Sumandal ako sa sofa at pinag-krus ko ang aking mga braso at pinanliitan ko sila ng mata. “Paano ba ‘yan mama Tin talo ka na naman,” natatawang wika ni Jk." “Mana talaga kayo sa papa Mazer niyo” “Pero mas magaling pa rin siyang maglaro mama Tin.” Hinaplos ko naman ang buhok ni Madeline habang nakatingin sa akin. “Yes Madeline, magaling pa rin ang papa Mazer niyo.” Umiwas na lang ako sa kan’ya ng tingin dahil baka mahalata nila na nalulungkot ako at ayokong magtanong pa sila. Basta ang alam lang nila ay nasa ibang bansa ang papa Mazer nila at may inaasikasong negosyo roon. “Mama Tin I’m hungry,” sabay himas naman ni Jk sa kaniyang tiyan na ikinangiti ko. “Jk kakakain lang natin kanina nagugutom ka na naman?” gulat na saad sa kaniya ng kapatid niya, “Nakakapagod kaya ang maglaro.” Napapailing na lang ako sa kanila at tumayo na ako para ipaghanda sila ng kanilang meryenda. “Sige ipaghahanda ko lang kayo ng meryenda niyo ha?” Nagtungo ako sa kusina para igawa ang kambal ng kanilang meryenda at napahinto ako nang makita ang mga litrato namin ni Mazer na nakadikit sa ref. Kinuha ko ang isang litrato namin noong mamasyal kami sa France. Ang ganda ng ngiti niya sa picture at ang guwapo-guwapo niya. Ang mukha niya at ang mga ngiti niya ay miss na miss ko na. Gustong-gusto ko na ulit masilayan ang mga ‘yon. Hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako at tumulo ito sa hawak kong litrato namin. Mabilis ko namang pinahid ang aking luha dahil ayokong makita ako ng mga bata sa ganoong ayos. Kumuha na ako sa ref ng pagkain at dinala na sa salas kung nasaan sila. Pagkarating ko naman doon ay nakita ko na silang nakahilata sa mahabang sofa at himbing na himbing na sa kanilang pagtulog. Inilapag ko ang tray sa lamesa na may lamang pagkain at tumabi sa kambal. Tipid akong ngumiti sa kanila habang pinagmamasdan silang natutulog. Tumingala akong saglit para pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Napalunok ako at muling tinitigan ang kambal. Si Jk at Madeline na walang kaalam-alam na hanggang ngayon ay nawawala pa rin ang kanilang papa Mazer. Pinabuhat ko naman ang kambal kay mang Domeng para ihiga na sila sa kuwarto. Hinalikan ko sila sa kanilang noo at lumabas na ako sa kanilang kuwarto. Saktong paglabas ko naman ay tumatawag naman si Macelyn at kaagad ko naman itong sinagot. “Hi Mace” “Hi Tin, kumusta ang mga bata? Hindi ka ba nila kinukulit?” “Naku Mace ayos lang. Gusto ko rin naman na nandito sila para kahit papaano ay umingay naman itong bahay,” masayang wika ko sa kan’ya. “Basta Tin kapag nagka-problema tawagan mo kaagad kami ha?” “Sure Mace. Salamat nga pala ha?” “Saan naman?” “Sa pagpapahiram mo sa kambal” “Ano ka ba Tin, pamangkin mo na rin sila dahil magiging asawa ka na ni kuya. Kaya sana umuwi na si kuya kaagad para mapakasalan ka na niya.” Pagkasabi niyang ‘yon ay tinignan ko naman sa kaliwang kamay ko ang suot kong singsing noong magpropose si Mazer sa akin. “Maghihintay ako sa kaniyang pagbabalik Mace.” Pagkatapos naming mag-usap ay nagtungo na rin ako sa aking kuwarto. Naligo muna ako at isinuot ko ang damit ni Mazer. Iyon na ang lagi kong isinusuot sa tuwing matutulog ako dahil para ko na rin siyang katabi noon. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at nagtipa doon. Nagpadala ako ng mensahe kay Mazer sa numero na ginagamit niya at pati na rin sa kaniyang social media account. Simula noong mawala siya ay nakasanayan ko nang magpadala ng mensahe sa kaniya araw-araw baka sakaling mabasa niya iyon balang araw. Habang nakaupo ako sa aking kama at nakasandal sa head board ay binabasa ko naman ang mga mensahe na ipinapadala ko sa kaniya. Nakasaad doon ang mga araw-araw kong ginagawa at kung saan-saan naman ako nagpupunta. Nayakap ko na lang ang aking telepono at doon ay nagsimula na akong humagulgol. “Happy birthday my heart. Miss na miss na kita my heart. Umuwi ka na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD