CHAPTER 29

1769 Words
“Mazer! Tawag sa akin ng aking asawa at hawak nito ang aming dalawang taong anak. Kagagaling lang namin sa pangingisda ni Obet at inaayos na ang bangkang ginamit namin. Masaya nila akong sinalubong at tumatakbo naman si Arthur papunta sa akin. At nang makalapit na siya sa akin ay kaagad ko siyang binuhat at hinalikan sa may pisngi. “Dada,” napangiti ako dahil tuwang-tuwa siya nang makita ako. Nasa tabi ko naman si Jillian at naka-angkla sa akin. “Kumain na ba kayo?” tanong ko sa kan’ya habang naglalakad na kami pauwi. “Hinihintay ka namin eh” “Siya nga pala sasama ako kay Obet sa bayan para ideliver ‘yong mga nahuli naming isda.” Napahinto siya sa kaniyang paglalakad at taka ko naman siyang tinitigan. Pansin ko naman sa kan’ya ang pagkabalisa na ikinabahala ko. “Jillian may problema ba?” “H-ha? W-wala naman! Kasi baka bigla kang mawala roon hindi mo kasi kabisado ang bayan eh at isa pa__” “Jillian, kasama ko naman si Obet eh. At isa pa hindi ko siya puwedeng siya lang ang magbagsak doon gayong wala ang tatay niya at umuwi ng Maynila” “Sumama na lang kaya ako sa’yo?” “Paano itong si Arthur? Dumito ka na lang saka ‘wag kang mag-alala walang mangyayari sa aking masama okay?” tumango lang siya at maya-maya ay niyakap ako. “Baka kasi iwan mo ako eh. Ayokong mangyari ‘yon Mazer akin ka lang ‘di ba?” kumalas siya sa akin sa pagkakayakap at mataman ko naman siyang tinitigan. May kung ano siyang ibig ipahiwatig na hindi ko maintindihan. Napapansin ko sa kan’ya na parati na lang siyang balisa kapag may itinatanong ako sa kan’ya kapag may naaalala akong kaunti. Palagi na lang niyang iniiwasan kung ano man ang itanong ko. Naaksidente raw ako noon at ako lang daw ang nakaligtas. Mabuti na lamang daw at kaagad akong naisugod sa ospital at si Jillian ang una kong nakita pagmulat pa lamang ng aking mga mata. Wala ako ni isang matandaan noon kahit na ang pangalan ko ay hindi ko alam. Siya ang tumulong sa akin noong mga panahong wala akong maalala at nagpakilalang nabuntis ko raw at kasintahan ko at sinundan ako para ipaalam sa akin. Hindi naman siya mahirap mahalin dahil napaka bait niya at inalagaan ako sa abot ng makakaya niya. Hindi nagtagal ay nagpakasal kami para na rin sa aming anak. Simula noon ay nanirahan kami malayo sa syudad dahil ang sabi sa akin ni Jillian ay marami raw ang gustong pumatay sa akin dahil sa negosyo at nabalitaan niya ito sa kaniyang kakilala. Ayaw na niyang mangyari ang nangyari sa akin noon na muntikan na akong mamatay kaya ganito na lamang ang kaniyang pag-aalala sa tuwing pupunta ako ng bayan. Sinabi niya rin sa akin na isa akong negosyante at maraming kalaban sa negosyo kaya marami raw ang gusto akong ipapatay kaya sa malayo kami nagtago. “Jillian, hindi kita iiwan. Walang mangyayaring masama sa akin okay?” “Paano kung isang araw iwan mo na kami?” “Hindi mangyayari ‘yon. Dito lang ako sa tabi ng anak natin.” Pagkasabi kong iyon ay hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Nang balingan ko siya ay hindi si Jillian ang nakita ko kun’di isang magandang babae na nakangiti sa akin. Mayroon siyang mahabang buhok na kulay tsokolate at may mapupulang mga labi. Maganda ang kaniyang mga mata na animo’y parating nakatawa. Pumikit ako ng mariin dahil kahit sa panaginip ay parati ko na lamang siyang nakikita. Hindi ko na lamang sinabi kay Jillian ‘yon dahil ayoko siyang magselos at sumama ang loob dahil ibang babae na nasa aking isipan. Nang imulat ko na ang aking mga mata ay nakita ko ang aking asawa na nagtataka sa aking tinuran. “Mazer ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” hinawakan niya pa ang aking noo upang suriin ako. “A-ayos lang ako, medyo sumakit lang ang ulo ko,” pagdadahilan ko na lang. “Baka naman kasi hindi mo na iniinom ang mga gamot mo?” “O-oo nga pala nakalimutan ko kaninang umaga” “Kaya naman pala eh. Hindi ba kabilin-bilinan sa’yo ‘yon ng doctor na huwag mong kaliligtaan uminom ng gamot?” “Sorry na po, isang beses ko lang naman nakalimutan eh,” nakangusong wika ko sa kan’ya. “Anong isang beses?! Palagi kaya. Kaya parating sumasakit ang ulo mo at kung ano-ano ang nakikita mo minsan. Napangiti na lang ako dahil mukhang galit na naman ang aking asawa. “Halika na uwi na tayo para makainom na rin ako ng gamot ko.” Inakbayan ko na siya at sabay na kaming nagtungo sa bahay. Maaga kaming nagtungo ni Obet sa bayan para doon ibagsak ang mga isdang nahuli namin. Pagkarating namin doon ay kaagad kaming nagtungo sa palengke para ideliver ang mga isda. Mabuti na lamang ay naubos ito kaya maaga kaming makakauwi ni Obet mahigit isang oras din kasi ang byahe namin at baka abutan pa kami ng dilim. “Buti na lang kuya Mazer at naubos ang isda marami rin ang kumuha sa atin eh,” masayang saad ni Obet sa akin. “Oo nga eh. Akala ko aabutin pa tayo ng hapon” “Noong kami ni tatay may natitira pa. Pero kapag ikaw ang kasama ko parating ubos! Iba talaga kapag pogi,” natawa na lang ako sa kaniya at ginulo ko pa ang kaniyang buhok. Maya-maya pa ay napadako naman ang tingin ko sa tindahan ng mga laruan at naalala kong bigla si Arthur. Kaagad akong nagtungo roon at tumingin ng ilang mga laruan para bilhan si Arthur at tiyak na matutuwa siya. Napangiti ako nang makita ko ang isang maliit na bangka dahil parati na lang na papel na bangka ang kaniyang nilalaro at nilalagay sa palanggana na maliit. “Kuya Mazer bibilhan mo si Art ng laruan?” “Oo Obet kawawa naman kasi ‘yong anak ko parati na lang papel na bangka ang nilalaro niya eh” “Naku kuya tiyak na matutuwa ni Art niyan!” napangiti naman ako at kaagad na bumili ng ilan ding mga laruan niya. At nang makabili na ako ay aalis na sana kami ni Obet nang makita ko naman ang isang dyaryo na nakapatong sa ibabaw ng mga laruan. At nagulat ako nang mabasa ko ang nakasulat sa headlines. “Obet mauna ka na sa bangka may titignan lang ako sandali” “Sige kuya.” Nang makaalis na si Obet ay muli kong binalingan ang dyaryo at binasa ang nakasulat doon at nakalagay pa ang aking mukha. Nanlaki ang aking mga mata at sunod-sunod na napalunok habang binabasa ko ang nakasulat doon. “Ako nga si Mazer Brilliantes. Saka pamilya ko kaya ang naghahanap sa akin? Baka ito ‘yong sinasabi ng asawa ko na gustong pumatay sa akin?” wika ko sa aking sarili. Ipinatong kong muli ang dyaryo at mabilis na umalis sa bayan dahil baka may makakilala sa akin doon. Naglalakad na ako pauwi sa amin ng biglang kumirot ang aking ulo kaya napahawak ako sa tulay at sapo ko naman ang aking ulo. Madalas sumakit ang aking ulo lalo na kapag nakakaligtaan kong uminom ng aking mga gamot. Dalawang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naaalala. Parati naman akong umiinom ng gamot pero parang walang nagbabago kahit katiting sa aking pagkatao ay wala pa rin akong maalala. Bigla namang may nag sink-in sa aking isipan at napakunot na lamang ako. Pilit kong inaalala at mariin pa akong pumikit para lang maalala ito. Parang biglang may bumulong sa akin kaya napalingon akong kaagad at hinahanap kung sino ito. “M-my heart? Sino ‘yon? Iyon ba ang tawag sa ‘kin ni Jillian?” bulong ko sa aking sarili. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng aming bahay. Masyado na yata malalim ang iniisip ko dahil sa munting salita na narinig ko kanina. Pagkapasok ko ng bahay ay kaagad akong sinalubong ni Arthur at kinarga ko naman siya. “Anak may pasalubong si papa para sa’yo,” sabay abot ko sa kan’ya ng mga laruan. “Wow! Danda papa!” masayang wika ng aking anak. Ibinaba ko muna siya at binalingan naman si Jillian na nakangiti sa amin. Kaagad ko siyang niyakap at pagkuwa’y hinalikan siya sa mga labi. Bigla ko na namang nakita sa aking isipan ang isang babae na parati kong napapanaginipan at laging nakikita. Kaagad akong napalayo kay Jillian at kunot-noo ko siyang tinignan. “Who are you?” mahinang wika ko sa kan’ya. “M-mazer, ako ‘to ang asawa mo” “I-I’m sorry Jillian may nakikita na naman kasi ako eh. Hindi ko maintindihan pero palagi na lang siyang nagsisink-in sa isip ko” “Halika maupo ka muna Mazer.” Naupo muna kami sa sofa at hinawakan ang aking kamay. “M-may naaalala ka na ba?” “Wala pa gaano pero lagi ko siyang napapanaginipan at bigla ko na lamang siyang nakikita. Parang mahalaga siya sa ‘kin kaya parati ko siyang nakikita Jillian” “Ganoon ba?” pansin ko naman ang lungkot sa kaniyang mukha pagkasabi kong iyon. “Jillian I’m sorry hindi ko gustong sabihin sana sa’yo ‘yon__” “Okay lang Mazer. Basta alam kong ako ang nasa puso mo hindi ako dapat mag-alala ‘di ba?” tipid akong ngumiti sa kan’ya at niyakap siya. Hindi ko na sinabi sa kan’ya ang nabasa ko sa dyaryo dahil ayoko ng mag-alala pa siya. Nasa kalagitnaan na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Sinulyapan ko si Jillian at ang aking anak na himbing na sa kanilang pagtulog. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at sinulyapan sila, napangiti ako dahil nagkaroon ako ng pamilya na tulad nila. Pero hindi pa rin sapat ‘yon hangga’t hindi pa bumabalik ang aking mga ala-ala. Dahan-dahan akong tumayo sa kama para hindi sila magising at marahang nagtungo muna sa balkon ng aming bahay. Nakatingin naman ako sa kawalan at iniisip pa rin kung sino ang babaeng parati kong nakikita sa aking panaginip at basta na lang nakikita ko kung saan. Malakas akong nagpakawala ng malakas na buntong hininga at saka tumingala. “My heart? Anong ibig sabihin noon? Imposibleng ako ‘yon. Saka ‘yong mga humahanap sa kin malamang isa ‘yon sa mga gustong pumatay sa ‘kin. Sana bumalik na ang mga ala-ala ko para malaman ko na kung ano ang totoo,” wika ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD