"Hon, aalis muna ako ah? pupuntahan ko lang 'yong doktor mo saka bibili na rin ako ng mga gamot mo," wika sa akin ng aking asawang si Jillian. 
Narito naman ako sa tabing dagat at inaayos ang bangkang ginamit namin kanina ni Obet. lumapit ako sa kan'ya pagkatapos kong itali ang bangka at hinalikan siya sa noo.
"Hindi ba dapat kasama ako?"
"Kahit hindi na kasi medyo okay ka na naman daw eh. Kukuha lang din naman ako ng mga gamot mo kasi kokonti na lang din iyong nandiyan," tumango lamang ako at tipid na ngumiti.
"Siyanga pala, wala ka bang nababalitaan na pinaghahanap ako?" saglit siyang natigilan at pagkuwa'y ngumiti sa akin.
"W-wala  naman akong nababalitaan hon. Noong nakita kita wala kang maalala at hindi ko alam kung saan hahanapin ang pamilya mo kaya nagpasya akong isama ka na lang kaysa naman pabayaan kita"
"Ah oo nga pala, sige mag-iingat ka, ako na ang bahala kay Arthur." Hinalikan ko siya sa pisngi at pagkuwa'y umalis na siya habang ako nama'y tinatanaw siya papalayo.
"May tinatago kaya siya sa 'kin?" wika ko sa aking sarili.
"Mazer!" Napalingon naman ako at nakita ko si mang Jerry na papalapit sa aking kinaroroonan.
"Ikaw po pala mang Jerry," wika ko nang nakalapit na siya sa akin.
"Ito ang parte mo dahil sa pagtulong sa aking anak," sabay abot niya sa akin ng isang libong piso.
"Naku mang Jerry hindi na ho! Saka may parte na naman po ako noong maubos namin 'yong paninda.
"Sige na tanggapin mo na 'to isipin mo na lang na bigay ko 'yan sa anak mo." Kinuha niya ang aking palad at inilagay doon ang pera.
"Salamat po mang Jerry," nahihiya kong saad.
"Siyanga pala hijo, hindi pa ba bumabalik ang ala-ala mo?" Saglit akong natigilan at pagkuwa'y nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
"Wala pa rin po mang Jerry eh," malungkot kong saad sa kaniya.
"Hindi ba umiinom ka naman ng mga gamot mo? Dapat magaling ka na ah"
"May mga oras po na may naaalala ako pero hindi ganoon kalinaw. At saka mang Jerry ang ipinagtataka ko parati akong may nakikitang isang magandang babae kahit sa panaginip ko nakikita ko siya, " saglit siyang nag-isip at muli akong binalingan.
"Baka kamag-anak mo siya o 'di kaya kapatid mo o malapit na kaibigan?"
"Ang sabi ni Jillian hindi niya raw alam kung sino ang pamilya ko"
"Nagpasuri ka ba ulit sa doktor ha Mazer?" umiling lang ako sa kaniya at inihilamos ko naman ang aking palad sa aking mukha.
"Gusto ko ng malaman mang Jerry kung sino talaga ako. Pero sa tuwing tatanungin ko ang asawa ko parang may tinatago s'ya sa 'kin. Parati niyang sinasabi na nagpapatulong na raw siya sa kaibigan niya na hanapin ang pamilya ko kaso raw narinig daw niya na may gusto raw pumatay sa'kin kaya ipinagpaliban muna niya ang paghahanap sa pamilya ko"
"Baka nga hijo at pinoprotektahan ka lang ng asawa mo." 
Pagkatapos namin mag-usap ni mang Jerry ay umuwi na muna ako para asikasuhin naman si Arthur. Iniwan ko muna siya sa sala na naglalaro at ako nama'y magluluto ng aming pananghalian. 
Naghihiwa ako ng mga gulay nang mabitawan ko ang hawak ko na kutsilyo dahil kumirot ang aking ulo. Sapo ko ang aking ulo at naupo muna ako sa upuan malapit sa lababo. Bigla akong napatigil ng may maalala ako at napatingin na lang ako sa lababo. 
"Parang nangyari na 'to," wika ko sa aking sarili. Pumikit ako ng mariin at pilit na may inaalala pero lalo lamang sumasakit ang aking ulo kapag pinipilit kong makaalala. 
Hinanap ko naman ang aking gamot sa kuwarto at iinumin na sana ito ng maalala ko namang bigla na parating sumasakit ang ulo ko kapag hindi ako nakakainom ng gamot at may bigla na lang akong naaalala na hindi ko maintindihan. Sinulyapan ko ang gamot na hawak ko at nagpasya na 'wag na lang itong inumin.
Nagtaka naman ako dahil malapit ng maggabi ay hindi pa rin umuuwi si Jillian. Maaga namang nakatulog si Arthur dahil napagod  siya sa kaniyang maghapon na paglalaro. Lumabas muna ako at naupo sa tapat ng aming bahay habang hinihintay ang pagdating ng aking asawa. Napadako ang tingin ko sa kapitbahay namin na nanunuod ng t.v, kita mula rito sa aking puwesto ang kanilang pinapanuod. 
Nanlaki pa ang aking mga mata ng mapagsino kung sino ang nasa t.v. Naka-ilang lunok ako at titig na titig naman sa babaeng nasa t.v at may kasama siyang isang guwapong lalaki. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla na lamang ako nakaramdam ng galit nang makita siya. 
Hindi ako maaaring magkamali, siya iyong babaeng palagi kong nakikita sa aking panaginip. Pero sino ang babaeng 'yon? At ano ang kinalaman niya sa akin?
"Mazer?" Mabilis akong napatingin sa kung sino ang tumawag sa akin.
"J-jillian!" Lumapit siya sa akin at taka niya akong tinitigan.
"Anong ginagawa mo rito sa labas?"
"Hinihintay kasi kita eh. Saka bakit ngayon ka lang?"
"H-ha? A-ano kasi naghanap pa ako ng mga gamot mo out of stock kasi sa ibang botika ang hirap pa namang hanapin no'n." Sinulyapan ko ang mga bitbit niya at muli siyang binalingan.
"Kumain ka na ba?" umiling siya ng nakanguso at napangiti naman ako sa kaniyang tinuran.
"Halika na dahil nagluto na ako ng hapunan natin"
"Alam mo napaka suwerte ko talaga sa'yo, kasi napaka responsable mong asawa at ama sa anak natin"
"Talaga? Mas maswerte ako kasi meron din akong mabait na asawa. Pasensya ka na kung hanggang ngayon wala pa rin akong maalala"
"Ayos lang hon ang mahalaga naman sa 'kin ay ang makasama kayo ng anak natin." Lumapit ako sa kan'ya at masuyo siyang niyakap. 
Ito ang palagi kong ipinagtataka na sa tuwing yayakapin ko siya at hahalikan ay ibang babae ang pumapasok sa isip ko. Matagal na akong umiinom ng gamot pero kahit isang ala-ala ay walang pumapasok sa utak ko. Alam ko sa sarili ko na mahal ko ang asawa ko pero hindi sapat na salita lamang ang basehan para masabi mong mahal mo ang isang tao.
Kasalukuyang nag-aayos na ako ng aming higaan nang pumasok na si Jillian. Napatulala ako dahil sa klase ng suot niya. Nakasuot siya ng manipis na pantulog at walang bra na suot kaya kita ko ang tayong-tayo niyang n*****s. Simula noong mawala ang aking mga ala-ala ay hindi pa namin nagagawa ang mga ginagawa bilang mag-asawa. Ayokong samantalahin ang pagkakataon kahit na asawa ko pa s'ya. Ang gusto ko ay iyong may naaalala ako kahit konti.
Lumapit siya sa akin at ikinawit naman niya ang dalawang braso niya sa aking leeg at hinalikan ako. Tumugon naman ako sa kaniya at hinawakan pa siya sa kaniyang bewang. Napaungol pa siya ng bahagya nang pisilin ko ang isa niyang dibdib. Marahan ko naman siyang inihiga sa kama at patuloy pa rin siyang hinahalikan. Bumaba ang halik ko sa kaniyang dibdib kaya napakapit siya sa aking braso at pansin ko ang kaniyang pagliyad.
"Mazer!"  Malakas na ungol niya.
Hinimas ko naman ang isang dibdib niya habang abala ako sa pagsipsip sa isa pa niyang dibdib. Bumaba pa ang halik ko sa kaniyang puson at dahan-dahan ko namang ibinaba ang suot niyang panty. Sinulyapan ko pa siya at awang naman ang labi niyang nakatitig sa akin.
Hinalikan ko muna siya sa kaniyang mga labi at pagkuwa'y sa kaniyang leeg at mariing sumipsip doon. Hindi ko naman mawari ang pakiramdam ko na para bang nagawa ko na ito pero hindi sa aking asawa. 
"My heart please!" Natigilan ako sa aking ginagawa at binalingan siya.
"Anong tinawag mo sa 'kin?" kunot-noo kong wika sa kaniya.
"Hon,"
"Iyong isa pa"
"Mazer wala naman akong iba pang tinatawag sa'yo bukod doon." Napapikit na lang ako ng mariin at tumayo na sa kaniyang ibabaw. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang hawakan niya ako sa isa kong braso.
"Lalabas lang muna ako saglit Jillian." Unti-unti naman siyang bumitaw sa braso ko at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto.
Nagtungo ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay itinukod ko ang dalawa kong kamay sa lababo at yumuko. Ang totoo niyan ay gusto ko ng bumalik ang mga ala-ala ko para hindi ako nangangapa ng ganito. Para tuloy akong isang bulag na nangangapa ng mga ala-ala. 
Pagpihit ko naman ay nakita ko ang iniinom kong gamot na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko ito at matamang tinitigan. Tama si mang Jerry, umiinom naman ako sa oras ng mga gamot pero hindi pa rin ako gumagaling at isa pa ay hindi ako sinasama ni Jillian sa tuwing pupunta siya sa aking doktor upang kumuha ng mga gamot. 
"Sino ang babaeng parati kong nakikita maging sa panaginip ko? Dapat si Jillian ang iniisip ko at hindi ang ibang babae," bulong ko sa aking sarili.
Muli kong ipinatong ang mga gamot ko sa lamesa ngunit katulad ng dati ay muli na namang kumirot ang aking ulo kaya napaluhod na lang ako at sapo ang aking ulo. 
"Aaaahh f**k! Why does it hurt so much?" mariing wika ko sa aking sarili. 
Natigilan ako ng mapagtanto ko na iba na ang tono ng aking pananalita. Maya-maya pa ay tila may boses naman akong naririnig at nagpalinga-linga pa ako kung saan nanggagaling ito.
"My heart it's me." Isang boses naman ng babae ang narinig ko at inakalang si Jillian ito ngunit ako lamang ang tao rito sa kusina. Namimilipit na ako dahil sa sakit ng aking ulo na tila ba ito'y parang binibiyak. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na ako na nawalan ng malay.