Ngingiti-ngiti si Kiara na humalukipkip nang hindi na niya matanawan si Kevin. Hindi niya ito susundan. Bahala na ang kamay nito sa kanya. Magpakasaya ito at magpakasaya. Iyon naman ang gusto niyang mangyari kaya minajik niya ang kamay ni Kevin. Bumuntong-hininga siya at tumingin siya sa loob ng bahay. Gusto niya sanang maglinis habang hinihintay ang binata sa pagbabalik nito, ang kaso’y tinatamad siya. Saka gawain iyon ng mabait na tao kaya hindi niya gagawin. Ini-on na lang niya ang TV. Sumalampak sa sofa at nanood. "This is life!" aniya na parang ang sarap ng buhay niya. Bahala na rin sa buhay niya si Kevin. Maghasik siya ng lagim kung gusto nito. Basta siya, mag-re-relax siya ngayon. Nag-magic na rin siya ng poc corn. "Tabi! Tumabi po kayo!" Naaalarmang hawi naman ni Kevin sa mga