Grabe ang matinding kaba ni Kiara habang hinihintay niya ang paggising ni Kevin. What is she going to do? Paano kung may nakita nga si Kevin na kakaiba sa kanya habang tulog siya? Nakagat-kagat niya ang kuko ng hinlalaki niya. Hindi talaga siya mapakali. Sinubukan niya namang binura sa utak ng binata ang nakita nito kung sakaling meron man pero hindi niya kasi sigurado kung gumana. Malalaman lang niya na gumana ang powers niya kapag gigising na si Kevin. Pero paano kung hindi gumana? Eh, di nalagot na? Natampal-tampal niya ang noo sabay nang padyak-padyak niya. Bakit ba kasi ang palpak minsan ng powers na binigay sa kanya ni itim na anghel, eh? "Nakaka-stress!" palatak niya. Naro'ng uupo siya tapos ay tatayo tapos ay mapapatitig sa mukha ng pinatulog niyang binata. Hindi talaga siya