“Ano 'yan… uhm... hindi ko talaga ninakaw. Ano, T-shirt ko 'yan. Kinuha ko sa kapitbahay. H-hiniram kasi ng isa kong kakilala. Oo, tama," utal na utal na pagsisinungaling ni Kevin huwag lang itong pag-isipan ng masama ni Kiara. Ang hindi nito alam ay gustong-gustong bumulangwit na ng tawa si Kiara sa sandaling iyon. Hindi kasi mailarawan ang mukha ni Kevin. Para itong mabibitay habang ipinagtatanggol ang sarili. "Talaga ba?" kunwa'y hindi naniniwalang saad ng dalaga. Ang cute pati kasi ni Kevin ngayon. Namumula ang pisngi nito sa pagsisinungaling. Kaguwapo naman talaga. Ayiee! "Uhm—" Nag-iwas ng tingin sa kanya si Kevin. "Oo," tapos ay mahina nitong sagot. Pumapalakpak ang kalooban ni Kiara. Sa isip-isip niya, "Sinungaling pa more, Kevin. Para dagdag points pa more ako sa impyerno. Ha-