MATINDI ang galit ni Charlie kay Jurus, pati na kay Vin at sa mga taong kasabwat kung bakit siya na setup noon. Kung noon ay pinalampas niya ang nangyari, ngayon hindi na. Ang mga taong yon ang puno at dulo ng lahat. Triple ang binayad niya sa mga hitman mahuli lang ang mga gago. “Pigilan mo ang galit na yan, Charlie. Walang naidudulot na mabuti kapag nagpatalo ka sa emosyon mo.” panay paalala sa kanya ng pinsang si Arries, habang patungo sila sa kinaroroonan ng mga tarantado. “Anong gusto mong gawin ko hayaan ang mga putanginang gago na yon? Matagal na akong nagpipigil sa mga lintik na yon!” “Hayaan mo siya Arries, basta walang armas.” “Paano kung makapatay siya?” “Hindi basta mamamatay sa suntok at sipa ang mga tarantado. Marami sila at hindi lang isang tao. Tama na ang pagbibigay