NANG magtungo si Charlie sa billing section lumapit sa akin si Kuya Kulit. “Sigurado ka ba na sasama ka sa Maynila kagaya ng narinig ko kanina?” seryosong tanong ng kapatid na si Kulit. “Oo, this time susundin ko ang nais ni Charlie. Ang mahalaga magkasama kaming dalawa.” matapat niyang sagot sa kapatid. Ayaw na niyang magkakalayo silang muli ni Charlie. Kung noon ay hindi niya pinaniniwalaan ang binata. Ngayon lahat ng sasabihin nito ay kanyang pakikinggan at susuportahan sa abot ng makakaya niya. “Sigurado ka na yon ang gusto mo at hindi napipilitan lamang?” “Hindi ako napilitan lang, Kuya Kulit. Kung noon ay binalewala ko si Charlie, ngayon hindi na. Tama na ang mga pinagdaanan naming dalawa. Hindi na ako magiging mahina, ipaglalaban ko na kung ano ang meron kami ngayon. Mahal ko si