KAPAG nakikita ni Charlie si MC, nakokonsensya siya. Pero hindi pa niya pwedeng sabihin dito ang tungkol sa bata. May ilang araw pa na hinihintay bago ang result. Noong araw ng reception, dalawang kutsara ang pinakuha niya sa mga tauhan. Kay Arries at RC, pero nang nasa kamay na ang mga yon. Alam niyang nakita siya ng kapatid na si Kyla. Iniwasan niya ito ngunit nabuking din nito. Walang kaalam alam na sinusundan pala siya. “Nasaan ang bata?” hindi agad siya sumagot, kahit humarap ay hindi rin ginawa. Bakit sa tuwina laging lumilitaw ang kapatid? “Charlie Drei! Kinakausap kita nasaan ang bata?” “Bakit interesado ka hindi naman anak ng asawa mo ang batang yon?” “Alam ko, pero Montemayor ang bata, kaya sabihin mo sa akin kung nasaan siya?” “Bakit gagamitin mo ang bata upang hiwalaya