HINDI makapaniwala si MC na may pagka tsismoso si Charlie. Ang akala niya kinausap lang ang pinsan nitong si Jarold. Hindi niya namalayan dumating pala si Ms. Annika. Tapos sumunod pa talaga sa loob ng silid ni Mr. Jarold kaya pala nanggaling doon. Pati intimate moments ng dalawa ay kunwento pa sa kanya. “Paano kung nakita ka nila?” “Nakita nga ako ni Kuya Jarold, tinaboy nga agad ako.” “Hindi ka nahiya na nahuli kang namboboso?” “Grabe ang term mo baby, boso talaga?” “Anong ginagawa mo doon kundi namboboso ka naman talaga sa kanila, huh!” “Paano deny nang deny si Kuya Jarold yon pala ay sabik na sabik kay Ms. Annika.” Sabay tawa ng malakas. Napapa iling na lang si MC, kay Charlie meron palang ganitong side ang binata. “Ang mabuti pa ay bumaba na tayo at nagugutom na ako. Ani pa