CHAPTER 57

3247 Words

TILA tinayuan ng mga balahibo at nakaramdam ng kiliti sa kaniyang puson si Alex nang bumaba sa kaniyang leeg ang halik na iyon ni Lucas. Hindi niya napigilan ang mapaungol na lang sa halip na itulak ito paalis sa ibabaw niya dahil senyales na naman iyon ng karupukan niya. “L-Lucas…” muling ungol ng dalaga nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga na gumapang patungo sa kaniyang lalamunan. Feeling niya ay unti-unti siyang naubusan ng lakas. Nanlupaypay siya bigla. Animo’y lalo lang naging mapusok ang binata nang marinig nito ang pagsambit ni Alex sa pangalan nito. Ni hindi siya pinigilan. Ngayon malinaw na sa kaniya kung bakit noon ay pinipigilan siya nito na banggitin ang pangalan na ‘James’. Mahigpit na napahawak sa braso ni Lucas si Alex nang madama niya ang mga labi na masuyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD