CHAPTER 54—ANG REBELASYON PART 2

3218 Words

“NAGTIWALA pa naman ako sa’yo, Asher. Sana sa iba na lang ako humingi ng tulong,” naghihinampong wika ni Alex sa kaibigan nang makauwi na sila sa bahay nito. Kagagaling lang nila sa barangay hall kung saan dinala ng mga kagawad si Lucas pagkatapos ng ginawa nito kay Franco. Muntik na nga sana itong maipa-blotter kung hindi lang daw pinsan ni Asher. Ang mga magulang daw kasi ng kaibigan niya ang dahilan kung bakit umunlad nang ganoon ang Paraiso. Dati, isa lang itong liblib na isla na kinatatakutang puntahan ng mga tao. Puro mga kubo pa raw ang bahay dito noon. Tapos wala pang kuryente o kahit satellite. Bilyon daw ang ginastos ng mga magulang ni Asher para mapaunlad itong lugar at mabigyan ng maginhawang buhay ang mga tao rito. Bukod sa mga magulang ni Asher, nagbigay din ng malaking tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD