Araw ng binyag ng triplets. Lahat ng dating mga classmate nila at kaibigan ni Ace ay imbitado. Tuwang-tuwa ang mga ito ng malamang triplets ang kanilang mga anak. Matapos nilang manggaling sa simbahan, kasama ang kanilang mga magulang, mga ninong at ninang ng kanilang mga anak, sa villa sila tumuloy dahil doon nila napagpasyahang ganapin ang salo-salo. Magpapa-cater na lamang sana sila pero hindi pumayag si Nanay Salud at ang kanilang Mommy Liza kaya ang mga ito ang nagtiyagang magluto ng mga putaheng handa sa binyag ng kanilang mga anak. Kahit nga halos walang tulog ang mga ito eh talagang masigla pa ring kumilos. Maging ang Nanay ni Lexy na noo'y kasama din nila sa kanilang bahay ay masaya ring tumutulong sa mga ito. "Naku Mare, grabe hindi ko talaga akalain na ikaw iyong isa sa pin