"Aba Lexy, bilisan mo na diyan at naghihintay na pamilya ni Sailor. Mabuti ng tayo ay hindi na abutin pa ng gabi sa biyahe." wika ni Nanay Salud sabay buhat sa maleta ni Lexy. Nangingiti namang nakatingin lamang dito si Ace, parang nananaginip lamang siya. Ngayon karga-karga niya ang isa sa mga kambal, ang dalawa kasi ay himbing sa pagtulog samantalang ang kapatid ng mga ito ay heto at pinapahirapan siya. Hindi tuloy siya manlang nakatulong sa pag-aayos ng kanilang mga gamit. Pauwi na sila ngayon sa kanilang probensya. Maging ang pamilya ni Sailor ay nagdecide na ding manirahan muli sa probensya sa dati nitong bahay. Hindi daw kasi makakaya nina Mommy Liza na hindi makita ng isang araw ang mga apo. Halos isang buwan pa bago sila umuwi ng probensya dahil marami pang inayos si Sailor. Hind