"Mamimiss kita! Tawag ka palagi, ha?" Umiiyak na saad ng aking kapatid habang ito'y nakayakap sa akin nang mahigpit. Nandito na kami ngayon sa paanan ng private jet ni Domenico dahil ngayon na ang alis namin patungong America para paghandaan ang operasyon ni Kamahalan. Hindi makakasama si Carla dahil walang magbabantay kay Nanay Flor at Tatay Kiko saka may pasok pa rin naman siya sa University kaya hindi talaga pupwede. Inalo ko ang kaniyang likuran at pigil na pigil ang aking sarili na huwag maiyak. Ayokong ipakita sa kaniya at baka hindi ko kayanin at hindi ako makaalis. Mahina pa naman ako pagdating sa pamilya. Pero dahil kasama na sa equation si Domenico, I have to sacrifice being away from my family here for him. "Babalik naman kami kaagad. Saka pangako na tatawag ako araw-araw. Ma