MULING nakabalik si Xenon, maraming dalang mga data at mga informations na maaring makatulong sa kanilang project. Ang mga pagbabago ng mga bituin, ganoon din ang mga iba't ibang ebolusyon ng mga galaxies at paglitaw ng Black Hole ay kasama sa mga dala ni Xenon. Doon nga ri'y napansin ng binata ang tila pagbabago ni Naka. Biglang umaliwalas ang mukha ng kaibigan. Nawala ang kadiliman sa mga mata nito. Tila nagliliwanag ang presensya nito. Ganoon na rin ang pagkakaroon ng pag-asa sa pagkatao nito. Noong una'y hindi pinansin ni Xenon iyon... subalit bigla silang nagtalo nang may isuhestyon na isang bagay si Naka na labis niyang tinutulan. "Gusto kong ipasok sa isang gaming company ang ating project na ito. Sa ganoong paraan, magkakaroon tayo ng mas malawak na resources at baka sila na ang m