AYERS WALL. Inilabas kaagad ni Nigito ang kanyang Blood Sword. Kasama niya si Asuna sa front ng kanilang grupo, tumakbo sila palapit sa mga Black Demon Wolves: Level 60 na nasa kanilang harapan. Ginamit naman na kaagad ni Kaji ang kanyang Attack Revolver. Isang learned support-type skill na nagdaragdag ng attacking damage sa allies player. Ito'y para matulungan ang mga kasama. Nagkaroon naman kaagad si Kinji ng nagliliwanag na aura matapos niyang gamitin ang kanyang 1st character skill. Ang God Strength. Nagbibigay ito ng mataas na percentage sa damage at nagbibigay rin ng dagdag na armour sa gumagamit. May dagdag din na 10% critical hit ang skill na ito na tumatagal ng isang minuto. Inihanda naman ni Death ang kanyang dalawang Dagger. Nakangisi ito habang naglalakad kasama si Kinji. S