6 - ANG PAGBABALIK SA INTRAMUROS

2049 Words
"If you love someone, tell them. For hearts are often broken by words left unspoken...." "Ms. Roxanne, okay na. Aalis na kami." Bahagya akong tumango sa pulis na nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyari kay Lucas. Nakatayo sa di-kalayuan ang kasama nito. Matikas na nakatayo 'yung pulis sa kabilang side ng hospital bed ni Lucas. Kahit nakasuot ito ng uniform ng pulis ay mahahalata mong maganda ang katawan nito base sa malapad nitong balikat at matipunong dibdib. Idagdag pa 'yung balingkinitan nitong beywang. Bigla ko tuloy naalala si Chris Evans sa pelikula niyang Captain America! "Alain, I am hoping for a fast result." Napalingon ako kay Perry. Mahigit isang linggo na si Lucas dito sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinabayaan ni Perry. Nailipat na rin ito sa regular na kuwarto mula nang magkamalay siya. Actually, hiyang-hiya na nga ako kay Perry. Grabe ang pag-asikaso niya sa mga pangangailangan ni Lucas. Para sa isang manliligaw lang ay sobra-sobra na ang nagagastos niya sa amin. Ilang beses ko na rin namang tinanggihan at pinipigilan ito pero normal na yata kay Perry ang pagiging matigas ang ulo! "Maraming salamat din, Sir Alain. Sana po ay mahuli agad ang gumawa nito sa kapatid ko," sabi ko rin sa tinawag ni Perry na Alain. "Or you can call me, plain Alain. Can I call you, Roxanne? Or Roxy?" sa halip ay sagot niya naman sa akin. Sasagot sana ako nang biglang nakuha ni Perry ang atensiyon ko. "Uhurm! First name basis ba talaga ang ginagamit mo kapag may sino-solve kang kaso, Captain Alain?" Bahagyang tumawa si Alain at saka nilingon si Perry. "Possessive, huh?" sabi ni Alain, at saka ito nang-aasar na ngumiti kay Perry. Muli siyang lumingon sa akin at saka ngumiti. Nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya, dahil sa inasal ni Perry. "Aalis na ako, Roxanne. Baka kasi hindi na ako makalabas ng buhay dito kapag nagtagal pa ako," paalam ni Alain. Kaibigan daw ito ni Perry. Naging magkaibigan sila noong maging magkaklase sila noong High School. At kahit pa naghiwalay sila ng kolehiyong pinasukan nang mag-College na sila ay hindi naging hadlang ito sa pagiging magkaibigan nila. Parang si Lucas at Bernard lang. "S-Sige," maikli kong sagot. Pansin ko ang matalim na tingin dito ni Perry na para namang balewala lang kay Alain. Binalingan ni Alain ang kasamahan nito at saka simpleng tinanguan ito. Tahimik na naglakad iyong kasama niya papunta sa may pintuan, pagkatapos ay binuksan na ang pinto. "Tutuloy na po kami, Miss... Sir Perry," sabi niya, bago siya tuluyang lumabas. Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Sumunod sa kanya si Alain. Pero bago lumabas ng pinto si Alain ay nilingon niya ako. "I know when my friend is really in love. Please give him a chance, Roxanne-- I mean Miss Sta. Maria. Parang awa mo na..." "Anak ng--" narinig kong sabi ni Perry, kaya napatingin ako sa kanya. Pinigilan kong matawa sa itsura ni Perry, dahil halatang napipikon na siya Kay Alain. "Get out, Alain. Or else, tatawagan ko si Phoemela!" may pagbabantang sabi ni Perry sa kanya. I guess girlfriend or asawa ni Alain iyong Phoemala? Nagkibit balikat si Alain. "Okay. I guess wala akong laban. Bye everyone!" sabi ni Alain sa aming dalawa ni Perry at saka tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Pagkasara ng pintuan ay napalingon ako kay Perry. Gusto ko sanang itanong kung sino si Phoemela. Pero baka sabihin naman ni Perry na may pagka-tsismosa ako. Biglang tumingin sa akin si Perry kaya bigla akong nagbawi ng tingin. "Gusto mo bang samahan si Alex bukas sa educational tour niya?" tanong ni Perry. Napilitan akong muli siyang lingunin. "Ha?? Ah, eh... hindi na. Saka, pang-isang tao lang 'yung binayad namin dun. Sayang din kasi. Mas kailangan ko ng pera dito kay Lucas," nakakahihiya man pero iyon naman talaga ang totoo. In fact, kapag magtatagal pa si Lucas dito, baka mamroblema na ako kung saan ako kukuha ng pambayad dito sa hospital. Kung bakit naman kasi nakinig ako kay Perry na sa isang private room ko dalhin itong si Lucas. "O kung gusto mo, ako na lang ang sasama kay Alex. Ako na lang ang magbabayad ng slot ko. Tiyak namang hindi ka papayag na tanggapin 'yung pera kong pambayad dun." "Ay, hindi! Hindi na. Okay na yun! Malaki na naman si Alex. Kaya na nun ang sarili niya," pagkontra ko. Huminga nang malalim si Perry. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa kanya. "Okay. Sabi mo eh! Bibilhan ko na lang ng pambaon si Alex. Idaan ko sa bahay ninyo later. Siguro naman, hindi mo na tatanggihan 'yun, Roxy? Maliit na bagay lang naman 'yun." Tumango ako. "Sige na.... Baka mamaya magtampo ka pa sa akin." Deep inside ay nasisiyahan ako sa simpleng malasakit sa amin ni Perry. "Paano? Aalis na muna ako? Sigurado ka bang okay lang na matulog ka mag-isa dito ngayong gabi? Wala si Alex." "Oo. Maaano ba ako dito?" natatawang sagot ko. Nagkibit-balikat si Perry. "Wala lang... baka lang gusto mo akong kasama mamaya dito." Nginitian ko siya. "Umuwi ka na, Perry. Dun ka na matulog sa inyo. Sobra-sobrang tulong mo na sa amin." "Okay. You're my boss..." Pagkatapos ay bumaling siya kay Lucas. "Pano, brod? Kitakits na lang uli?" Bahagyang ngumiti si Lucas sa kanya. "Sige, Kuya Perry. Ikumusta mo na lang ako kay Dra. Phoemela," dahan-dahang sagot ni Lucas. Medyo sumasakit pa kasi ang sugat niya kapag mabilis siyang nagsasalita. Teka muna. Kilala ni Lucas yung Phoemela? Iyong binanggit kanina ni Perry kay Alain? At doktor ito? Bigla ko tuloy naaalala iyong doktora na kahampasan ni Perry dati sa ICU room. Siya kaya 'yun? Tila naman natuwa si Perry sa sinabi ni Lucas kaya ngumiti ito nang wagas. Para namang nakaramdam ako ng inis sa klase ng ngiti ni Perry na 'yun. "I will. Sige na, rest and get some sleep. Kailangan mo 'yun, brod. Bye, Roxy!" masiglang paalam naman ni Perry sa akin. Ang kumag at narinig lang ang pangalan nung Phoemela at parang biglang sumigla! "Goodbye!" may diin kong sagot, sabay talikod kay Perry. Inabala ko ang sarili ko sa pagtitimpla ng gatas. Alam kong nakasimangot ang mukha ko ngayon, at ayokong makita iyon ni Perry. Nang marinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto ay pilit kong kinalma ang sarili ko, bago ko binalingan si Lucas. "May gusto ka bang kainin, Lucas? Ubas? Ponkan?" "Bakit ba ayaw mo pang sagutin si Kuya Perry, Ate? Halata namang may gusto ka rin sa kanya," sa halip ay iyon ang isinagot ni Lucas sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Pwede ba, Perry?? Tinatanong kita kung may gusto kang kainin, tapos kung anu-anong sinasabi mo diyan. Tigilan mo nga ako. Saka... hindi ko type 'yung mga katulad ni Perry. Iyong mga ganyang tipo, ano.... mga babaero! Oo. 'Yun!" sagot ko sa kanya, habang hinahalo ko 'yung tinimpla kong gatas. "Hindi mo type, pero nagseselos ka naman?" pang-aasar sa akin ni Lucas. Sinamaan ko ng tingin si Lucas. "Ano? Ako? Nagseselos? Excuse me, 'noh!" sagot ko sa kanya, sabay irap. "Eh, bakit nung binanggit ko ang pangalan ni Dra. Phoemela kanina, lumaki ang butas ng ilong mo?" nakangiting tanong sa akin ni Lucas. Nanlaki ang mga mata ko. Ganun ba talaga ang itsura ko kanina? Ganun ba ako ka-transparent kanina? O bina-bluff lang ako ni Lucas? "Ako? Hindi noh! Hindi kaya...." Muli kong binalingan ng tingin ang hinahalo kong gatas, para makaiwas ng tingin ni Lucas. "Sus! Si Ate... pati ba naman ako lolokohin mo? Don't worry, Ate. Si Dra. Phoemela....nakakabatang kapatid ni Kuya Perry 'yun. Intern siya dito sa hospital nila. At crush na crush ni Captain Alain kaso ayaw paligawan sa kanya ni Kuya Perry dahil hindi pa raw tapos mag-aral," mahabang paliwanag naman ni Lucas. Napahinto ako sa paghahalo ng gatas at saka manghang napatingin kay Lucas. "Tinatanong ko ba? Saka, bilib din ako sa 'yo, ha. Nakaratay ka na at lahat diyan, nakakatsismis ka pa?" "Tsismis ka diyan. Naikuwento lang ni Kuya Perry. At saka, Ate... inumin mo na 'yang gatas mo, at halos naubos na sa kakahalo mo," natatawang sabi ni Lucas, sabay nguso sa baso ng gatas na hawak ko. Napatingin tuloy ako sa baso ng gatas na hawak ko. Hindi naman natapon, ah! Napailing na lang ako, at saka tahimik ko na lang na ininom ito. Teka. Sabi ni Lucas, pag-aari nila Perry itong S.A.N. Hospital? Oh, my gosh! Nakakahiya! "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko kay Lucas, "iidlip muna ako." "Sige lang, Ate. Maghapon na akong natutulog. Manonood muna ako ng TV." "Huwag kang magpuyat. Okay lang matulog ka uli. Kailangan mong makabawi ng lakas." "Oo, Ate. Alam ko 'yun. Sige na. Matulog ka na muna. Promise, paggising mo mamaya, tulog na ko." "Rosanna...." Dahan-dahan kong idinilat ko ang mga mata ko. Ewan ko ba, alam kong hindi naman ako iyong tinatawag, pero bakit ako dumidilat? Pagdilat ko ay nagulat ako dahil wala ako sa kuwarto ni Lucas sa hospital. Nasaan ako?? Iginala ko ang mga mata ko. Puro posteng may ilaw ang nakita kong nakahilera sa gilid ng daan. Ang tinatapakan ko ay hindi ordinaryong semento. Tila ito naka-tiles ng mga bato. Nasa Intramuros na naman ba ako? Bakit nandito na naman ako? "Tinawag ka na naman ba niya?" Halos mapalundag ako sa gulat. Nilingon ko ang nagsalita. "K-Kayo??" gulat kong tanong. Ngumiti lang siya sa akin. Nakasuot siya ng mahabang damit. Iyong mga damit na nakikita kong suot ni Imelda Marcos sa mga pictures niya sa mga text books ko noong nag-aaral pa ako sa elementarya. "Ikaw-- kayo po 'yung... 'yung tour guide dun sa Intramuros. Tama ako, di ba??" "Nasa Intramuros ka na," malambing na sagot nung babaeng tour guide sa akin. Kakaiba ang suot niya ngayon kaysa sa suot niya bilang tour guide sa Intramuros. Iyong suot niya ngayon ay 'yung mga suot noong sinaunang panahon na sa mga textbooks ko lang uli nakikita. Bigla akong natakot sa naisip ko! "P-Pero... bakit ka nandito? Bakit ganyan ang suot mo? Multo ka ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Time traveller. 'Yan ang tawag nila sa kagaya ko," nakangiti pa rin niyang sagot. Ganunpaman ay hindi nawala ang nararamdaman kong takot. "Huwag kang matakot sa akin," biglang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Na-Nahuhulaan mo ang iniisip ko?" "Nababasa," simpleng sagot niya, na parang normal lang iyong nakakabasa ka ng isip ng kausap mo. Inunahan ko na siyang itanong ang nasa isip ko. "Bakit ako napupunta lagi dito? Nasa kuwarto ako kanina. Sa hospital. Andun si Lucas. Naka-confine siya dun. Natulog lang ako. Pero may tumawag sa akin, kaya... teka... bakit alam mong may tumatawag sa akin?" "Sabi ko nga sa 'yo... time traveller ako. At alam ko lahat ng nangyayari dito o sa kabilang panahon man, dahil hindi naman naputol ang dugtong ng magkabilang panahon, lalo pa at may mga kagaya mong nagdudugtong sa dalawang panahon." Napakunot-noo ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. At bakit ako nadamay? Nananahimik ako sa buhay ko. Napailing na lang ako. "Hindi ko maintindihan... saka, sino 'yung tumatawag sa akin? Wait. Hindi pala ako 'yung tinatawag. Rosanna. Tama. Iyong Rosanna ang tinatawag nung boses lalaki. Hindi ako. Roxanne ang pangalan ko. So, mistaken identity lang ito?" Ngumiti si Aling tour guide, s***h time traveller. "Si Shawn. Siya ang Captain ng 43rd Infantry Batallion ng grupong Amerikano," kaswal na kaswal na sagot niya. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong... bakit-- bakit niya ako tinatawag? Anong kasalanan ko sa kanya? Ay, hindi nga pala ako si Rosanna. Pwede bang pakisabi sa kanya? Hindi ako 'yung tinatawag niya, Wrong number kamo," naguguluhang sabi ko. "Dahil ikaw ang kasintahan niya." "Ano?! Paano naman mangyayari 'yun? At saka, hindi nga ako si Rosanna!" nagpa-panic ko nang sagot. "Dahil nakikita niya sa 'yo si Rosanna. Mula nang makita ka niya doon sa Intramuros, sa tour? Si Rosanna ang nakikita niya sa iyo, at hindi bilang si Roxanne." "Ha? Paano'ng nangyari 'yun? Hindi ko naman kilala 'yung Rosanna na 'yun! Pwede ba, paki-correct mo naman siya? At saka, nasaan ba 'yung Rosanna na 'yun? Pwede bang hanapin mo siya? Para hindi ako ang ginugulo nung captain na 'yun! Ang dami ko nang problema, dumadagdag pa siya!" "I guess, ikaw lang ang pwedeng magsabi sa kanya niyan." "Ha?" ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD