*Rosallie's POV* Naramdam ko ang biglaang panlalamig ng katawan ko ng tuluyan akong balutin ng kadiliman. Ganun din ang pagbigat niyon hanggang sa hindi ko na magawang igalaw ni miski ang mga daliri ko. Nanatili ring nakapikit ang mga mata ko kahit pa anong gawin kong pilit na dumilat. Unti unti ring nawala ang pandinig ko hanggang sa tuluyang balutin narin ako ng nakakabinging katahimkan. I'm trapped. At ramdam ko ang tila malamig na hamog na bumabalot sa katawan ko. Hamog na kagagawan mismo ni Nolymer. Sinubukan kong buksan ang link ko at humila doon ng kapangyarihan. Pagkatapos ay pinakalat ko iyon sa buong katawan ko para labanan ang pagpasok ng hamog sa kamalayan ko. Nakapikit man ako ay naaninag ko parin ang puting liwanag na nilalabas ko. Ganun din ang tila paglaban ng hamog do

