*Joie's POV* -= 10 YEARS AFTER =- Ramdam ko ang paghila sa katawan ko ng demensyong kinalalagyan ko . Ganun din ang nakakahilong sensayong dulot niyon. Pero binalewala ko lahat iyon at tiniis hanggang sa maramdaman kong tumawid ang katawan ko sa kabilang dulo ng pinto ng Chasm. Nawala ang panlalamig ng katawan ko at napalitan ng pamilyar na init ng paligid. Halos masubsob din ako sa lupa ng bigla nalang akong iluwa nun sa Chasm. Napadaing ako at naramdaman kong naginit ang tuhod at palad ko dulot ng gasgas na alam kong natamo ko sa pagbagsak ko. "Araayyy.." Daing ko pa at maingat na umupo. Napangiwi pa ko ng humapdi ang mga sugat ko. "Ayos ka lang, Sources?" Tanong sa akin ng kung sino. Kasabay nun ang paglitaw ng dalawang paa sa harap ko. Natigilan ako at kinakabahang tumingin sa t

