Akala ko ay nananaginip lang ulit ako. Akala ko panaginip lang na tapos na ang lahat sa amin ni Andrius. Pero ang sakit na nararamdaman ng puso ko ay ang patunay na totoo lahat ng mga nangyari. Akala ko ay maririnig ko ang mga eksplanasyon niya. Handa akong makinig pagkatapos kong sabihin ang lahat ng mga gusto kong sabihin. Akala ko ay magiging maayos ang lahat matapos naming mag-usap. Ang daming akala, puro akala. Iyon na pala ang huli. Dumating na ang isa sa mga kinatatakutan kong mangyari. Hindi ko man lang nasabi ng paulit-ulit sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. “Hindi ka pa rin ba papasok, Celestine? Halos isang linggo ka nang hindi pumapasok,” ani Elizabeth sa akin. Nakatayo ako sa veranda ng kwarto ko. Tinatanaw ang malawak na gubat sa paligid. Pinapanood an