Kabanata 17: Gigil

1965 Words
Luna’s PoV HINDI ko talaga inaasahan na si Dark este si Luigi ay kaibigan ni Dean. Ang masaklap pa nito matalik itong kaibigan ni Knight dahil kaming tatlo ang madalas na magkakasama sa opisina ng XXX. Napakagat tuloy ako ng aking labi dahil sa hindi ko inaasahan na pangyayari. Talagang bilog ang mundo! Siya ang tinawagan ko sa police station at hindi ko naman akalain na may kaugnayan ito sa masungit kong boss. Gusto ko siyang kausapin ngunit naghihintay ako ng magandang timing. Alam ko na gusto rin niya na makausap ako. Nag-almusal si Luigi na kasama ni Dean. Hindi ko na lang siya tinignan dahil kapag nagtatama ang mga mata namin ay parang binabato ako ng sari-saring mga katanungan. Matalik nitong kaibigan si Dean at base sa nakikita ko ay mukhang nagdududa ito kung bakit ako nandito. Hindi ko naman p’wedeng sabihin ang totoo kaya naman gagawa na lang ako ng sarili kong version ng kuwento. Dumating ang teacher ni Ice kaya nagpunta ang mga ito sa study room. Si Dean naman nagtungo sandali sa office nito dahil tumawag ang nobya nito. Nakita ko si Luigi na nagtungo sa may garden kaya naman palihim ko na lamang siyang sinundan. “May secret mission ka na kaya ka nandito?” nagtatakang tanong nito sa akin. Napatingin ako sa aking paligid. “Huwag ka ngang maingay baka may makarinig pa sa atin. Alam mo naman na napakatalas ng pandinig ng boss ko. Wala akong secret mission dito, gusto ko lang muna na magpahinga sa trabaho dahil may death threat na ako.” Umiling-iling ito habang nakatingin sa akin. “At dito ka nagtago? Alam mo bang ipinapahamak mo lang si Dean at ang pamilya niya? Hindi mo ba iyon iniisip?” Nasapo ko ang aking noo. Bakit ba iyon ang nasabi kong dahilan? “Alam ko naman ang tungkol doon, Dark. Ang hirap lang kasi ng sitwasyon ko kaya noong nagkita kami ni Dean at kailangan niya ng Yaya sa pamangkin niya hindi na ako nagdalawang isip. Isa pa… kilala mo iyong tiyahin ko si Tita Lucia?” Pekeng tiyahin niya na ipinakilala niya rito noon dati nilang tirahan sa squatters. “Gusto niya akong ibenta sa pinagkakautangan niya. Hindi naman ako pumayag kaya tinakasan ko na lang. Kilala mo naman ako, Dark. Wala akong pamilya na p’wede kong hingan ng tulong, ang sarili ko lang ang inaasahan ko. Ayoko naman na pati si Knight mamroblema pa sa akin kaya hindi ko na lang sinabi. Ayokong banggitin mo sa kanya ang tungkol dito dahil alam ko na mag-aalala siya sa akin.” Mukhang napaniwala ko naman si Dark sa panibagong kasinungalingan ko. Mukha talaga akong kaawa-awa kapag nagkukuwento ako. “Oo na. Alam mo naman na utang ko sa iyo ang buhay ko noon. Hindi ko makalimutan kung paano mo sinalo iyong bala na para dapat sa akin. Maasahan mo ako sa lahat ng bagay. Kaya naman noong pinaimbestigahan ka ni Dean kay Aljon mabilis kong nagawan ng paraan ang tungkol sa pagkakakilanlan mo. Alam ko na napaka-confidential ng pagkatao mo, Diwata este Shyra. Kung magkaproblema alam mo na kung saan ako pupuntahan at kung saan ako tatawagan.” Tinapik ko ang balikat ni Shyra. “Kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon na personal mong problema sana makayanan mo. Tandaan mo na nasa likod mo lang ako palagi kahit na binasted mo na ako. Sana bigyan mo na lang ng pagkakataon si Knight dahil mahal na mahal ka niya.” Naluluha ako na tumingin dito. Hinawakan ko ang kamay ni Knight na nakahawak sa balikat ko. “Salamat, Dark. Sana huwag mo na lang ipaalam kay Knight kung nasaan ako. Nagkikita naman kaming dalawa tuwing day of ko. At sana dalasan mo ang pagpunta mo rito.” Nginitian ako ni Dark. Diwata ang tawag niya sa akin dahil mala-anghel daw ang aking mukha. Sa loob ng limang taon ay naging malapit kami sa isa’t isa dahil sa aming mga pinaniniwalaan at ipinaglalaban. “Ang cute mo talaga!” biglang lumakas ang boses ni Dark. “Shyra, madalas akong pupunta rito ha!” mariin nitong pinsil ang aking balikat. Inalis nito ang kamay doon. Niyakap ko naman si Dark at tinapik ang likod nito ng dalawang beses. “Maraming salamat.” Biglang may umubo sa likod ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Dark at saka nilingon si Dean na nasa likod ko na pala. Bagong ligo lang ito at nakasuot ng american suit. Kumikintab ang itim na sapatos nitong suot. “Mukhang mabilis kayong na-develop sa isa’t isa, a? Shyra, oras ng trabaho pero nandito ka at nakikipag-date!” sermon nito sa akin na nagtaas pa ng boses. Umangat ang sulok ng labi ko sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Dark na natutuwa naman. “Sige na, Shyra. Basta tatawagan na lang kita, ha. Madalas akong pupunta rito para dalawin ka at dalhan na rin ng mga pagka---” “Puno ang refrigerator ko, Luigi! Marami akong stocks ng pagkain sa loob kaya hindi mo na dapat abalahin ang iyong sarili na magdalabng pagkain dito.” “Sir, pizza na lang po, iyong hawaiian chessy overload,” natatakam na sabi ko. “Bibilhan kita mamaya! Bumalik ka na sa loob! Pasaway ka talaga!” Nginitian ko na lamang si Luigi bago talikuran. Naiinis naman ako sa boss ko na talagang sobrang sama ng ugali. Hindi nito gusto na may ibang lalaki ako na kausap, at hindi rin ito natutuwa kapag may nagkakagusto sa akin. Minsan naiisip ko na rin na kaya niya ako binabakuran dahil crush niya ako. Oo tama! Crush ako ng boss ko! Huminto ako sa aking paglalakad at binalikan ang mga ito na nagkakainitan sa pagtititigan. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. “Teka nga, bossing. Bakit mo ba ako pinagbabawalan na may iba akong kausap? Hindi mo ba gusto na maging masaya ako sa sariling love life ko?” Natigilan si Dean sa sinabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Luigi sa narinig. Bumuka ang bibig nito ngunit wala akong narinig. Tinalikuran lamang niya ako. “Bahala ka na nga! Si Ice, bantayan mo at alagaan! Hindi iyong may iba kang inaasikaso diyan!” malakas na sabi nito bago umalis. Naiwan kami ni Dark na hindi makapagsalita sa sinasabi nito. “Mukhang tinamaan din sa iyo ang boss mo, Diwata,” mahinang panunukso sa akin ni Dark. “Shh, hindi ko type ang katulad niya na may nobya na. Ayokong maging mistress pagdating ng araw! Sige na, magtratrabaho muna ako, Dark. Maraming salamat ulit. Kita na lang tayo kapag day off ko tuwing linggo. Madalas lang ako sa apartment ko sa La Union,” mahinang sabi ko rito bago ipamulsa ang aking kamay sa suot na uniform ko. Inihatid ko ng tingin si Dark na sumabay na kay Dean sa pag-alis. Napailing na lamang ako bago pumasok sa loob ng bahay ni Dean para ituloy ang aking trabaho. PAGSAPIT ng gabi katulad ng madalas kong ginagawa kapag hindi ako antukin ay nasa may garden lang ako at nagpapalipas ng oras. Ayoko kasing manood ng TV katulad ng ginagawa nina Manang Berry. Mas gusto ko na pumunta sa may garden at tumingin sa mga bituwin sa langit. Nagiging payapa ang aking isip kapag ginagawa ko ito. Hindi maalis sa akin ang sinabi ni Dark na pinaimbestigahan ako ni Dean. Talagang wala pa rin itong tiwala sa akin. Mabuti na lang at matalino ako. Wala talaga silang makukuha na impormasyon mula sa akin dahil pinabura ko ang pagkakakilanlan ko bilang si Luna Hidalgo at pinalitan iyon ng Luna Arces bilang pamalit sa peke kong pagkakakilanlan bilang anak ni Don Simon. Sumasakit ang aking mga binti dahil naglaro si Ice ng basketball. Hindi ko naman natanggihan ang aking alaga kaya pinagbigyan ko siya kanina na maglaro. Inayos ko ang garterize braces na nasa aking binti. Sa aking binti may lanchetang nakatago at sa loob ng boxer bra ko naman ang maliit na baril ko. Nagtungo ako sa kubo at saka umupo roon. Isinandal ko ang aking likod sa upuan at saka itinaas ang aking mga paa sa lamesa. “Kung mag-abroad na lang kaya ako?” biglang sabi ko sa aking sarili. Hindi ko rin pala iyon kayang gawin dahil hindi ko rin naman maiwan ang aking ama. Kahit na gaano pa siya kasama sa akin ay Tatay ko pa rin naman siya. Napapikit na lamang ako ng mariin. Hindi ako p’wedeng magtagal dito kina Dean. Kailangan ko ring umalis dahil ayokong magkagulo ako rito. Lalo na ngayon at mukhang mainit sa akin ang mga mata ni Dean at ang nobya nito na dragon. “Nasaan ba si Dean, Manong Celso?!” malakas na tanong ng isang babae na naririnig ko sa may gate. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Channel na nakikipag-away kina Kuya Lindo at Manong Celso. Alas onse na ng gabi at narito ito dahil hinahanap nito si Dean. Napangisi na lamang ako at saka muling pumikit. Gusto ko sanang puntahan ito pero hindi ko na gagawin. Lalapitan din naman niya ako kapag nakita niya ako rito sa may kubo. “Ma’am Channel, wala pa ho si Sir Dean. Kaninang umaga pa po siya umalis, ma’am,” boses ni Kuya Lindo na bakas ang takot at pag-aalala. “Ng ganitong oras!” sigaw pa ni Ma’am Channel dito. Naiinis ako sa aking naririnig. Bumangon ako at pinilit itong harapin kahit na masakit ang mga binti ko. “Ma’am, wala ho talaga si bossing. Kanina pa siya umaga umalis,” magalang na pagpapaliwanag ko. Binalingan naman niya ako na mataas ang isang kilay. “Kinakausap ba kita? Yaya ka lang dito kaya huwag kang nagsasalita kapag hindi kita kinakausap!” sigaw niya sa akin. Aba’t bastos talaga ang dragon lady na ito! Hindi ako umimik at bumalik ako sa kubo. Umupo ako at itinaas ang aking mga paa sa lamesa. Nagulat si Ma’am Channel sa ginawa ko. “Yaya ka lang! Huwag kang umasta ng ganyan sa harapan ng nobya ng boss mo!” Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ito sinagot. Madali naman akong kausap… ang sabi niya huwag akong magsasalita! Narinig ko ang pag-apak nito sa sahig ng kubo. Itinaas nito ang kamay na akma akong sasampalin. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalo ng kamay ko ang braso nito. Mahigpit ko iyong hinawakan at saka ako tumingin sa kanyang mga mata na may galit. “Bitiwan mo nga ako! Anong karapatan mo para kalabanin ako ha?!” singhal pa niya sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanang braso niya. “Ayoko! Yaya ako rito at may karapatan ako! Hindi kami ganito itrato rito ng amo namin kaya huwag kang mag-eskandalo dito, Ma’am Channel!” Marahas ko iyong binitawan. “Umalis ka na at sa may gate mo hintayin ang boss ko!” Nagulat sina Manong Celso at Kuya Lindo sa matapang na pagsagot-sagot ko kay Ma’am Channel. “How dare you!” Tinaasan niya ako ng kilay. Humalukipkip ako sa harapan nito. “Tsk! Dare me!” “Subukan mo akong kalabanin at hihiram ka ng mukha sa aso,” bulong ko sa aking sarili. "Talagang kinakalaban mo ako?!" galit na galit na tanong ni Ma'am Channel sa akin. Sa akin pa yata bumuhos nag galit nito sa boss ko. "Madam, pagod po ako sa maghapon na pag-aalaga sa pamangkin ni bossing. Kung hindi po kayo naniniwala na wal rito ang boss ko, sa gate na lang po ninyo hintayin! Bawal po kayo sa loob ng bahay dahil kapag may nawala kami Ang mananagot," mataray na sagot ko. Hindi ito makapaniwala sa pagtataray ko. Nginisihan ko na lamang siya bago ako muling pumikit. Nasaan na ba kasi ang bossing ko at bakit ito hinahanap ng dragon nitong nobya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD