Kabanata 20: Please

1804 Words
Dean‘s PoV HINDI ko alam kung matatawa ako o maiinis ako kay Shyra. Sa totoo lang nagugulat ako sa mga sinasabi niya lalo na nang banggitin nito ang tungkol sa virginity nito na hindi ko inaasahan. Natanaw ko si Manong Celso, Kuya Lindo at si Shyra kanina nang sumilip ako sa bintana ng aking kuwarto. Napansin ko na nag-iinuman ang mga ito kaya naman nagpasya akong makipag-inuman din sana kaso nga lang ay naabutan ko na silang lasing na lasing na. At habang nakikinig ako kanina ay pangalan ko ang sinasabi ni Shyra. Kaunti na lang ay isumpa na niya ako dahil sa masasakit na salitang sinabi ko rito kanina. Galit ito sa akin dahil sa mga sinabi ko. Nasabayan kasing pagsusumbong nito ang hindi magandang naging araw ko kaya naman sa kanya ko naibaling ang galit ko. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ang damdamin ni Shyra ngunit nakapagbitaw ako ng masasakit na salita na hindi ko na kayang bawiin. Minsan ay hindi ko talaga kayang kontrolin ang aking sarili kapag galit na galit na ako. Ipinasya kong dalhin si Shyra sa aking kuwarto. Hindi ko kasi siya p’wedeng pabayaan dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya. Isa pa, babae si Shyra ay puro lalaki ang kainuman nito. Ibinaba ako sa ibabaw ng kama ko si Shyra. Nagsasalita pa rin ito at umiiyak. “Ku-Kuya… ‘wag…” humihikbing sabi nito na hanggang ngayon ang buong akala ay ako si Kuya Lindo. Tinapik ko ang pisngi ni Shyra. “Matulog ka na lang! Wala akong gagawing masama sa iyo dahil hindi kita gus---” Bigla itong umupo sa kama ngunit natumba rin. Malakas itong tumawa kahit na humihikbi pa rin. “Type m-mo talaga si Dean… Deanonyo?” Itinaas pa nito ang isang kamay at itinuro ako. “Labag iyan sa ba-batas ng langit!” Humalukipkip ako sa gilid ng kama habang nakatingin dito. “Lasing na lasing ka, matulog ka na!" Tumagilid ito sa kama at tinalikuran ako. “Nakakaawa… k-ka Ku-Kuya Lindo,” humahagulgol na sambit nito. “May iba na siyang gusto!” Umiyak pa ito ng malakas na para bang nang-iinis lang. Napangiti na lamang ako at napailing. Ang lakas ng tama ng lambanog dito. Naisip ko na pag-trip-an ito ng mga tanong na ikakatuwa ko. Naniniwala ako na kapag lasing ang isang tao maraming nasasabing totoo. At mukhang panghahawakan ko ang paniniwala kong iyon. "Sino ka ba talaga? Saan ka nanggaling at sino ang mga magulang mo?" "Tsk! P'wede ko ba iyang sa-sagutin bukas? Ku-kunin mo na lang iyong bio-data ko sa boss mo! Next question?" "Ka... Kaaakit-akit ba ako este ang boss natin?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Tsk! Kung p'wede nga lang siyang sakalin! Pa-Paano naman iyon naging kaakit-akit? Wa-Wala ngang six packs! Mukha pa ngang sakitin, u-uhugin, at iyakin." Pumalakpak pa ito ng malakas. Nagngingitngit ako sa inis dahil sa mga sagot nito sa tanong ko. Kahit na lasing na ito ay hindi talaga ito maayos kausap. “A-Ano ba ang type mo sa isang lalaki?” mahina kong tanong dito. “Ba-Basta ba hindi kasing sama ng b-boss natin.” Bumangon ito saka umupo sa ibabaw ng kama ko. Naniningkit ang mga mata nito habang sapo ang baba. “Ku-Kuya Li-Lindo, a-alam ko na iyang laro mo. Gu-Gusto mong malaman ang tipo ko?” Malakas itong tumawa at pinag-apir pa ang dalawang palad kahit na hindi ito maka-steady sa pagkakaupo at mukha itong matutumba. Kinuha ko ang round chair na nasa gilid ng kama ko at saka umupo ng naka-cross legs sa may paanan ng kama upang magkaharap kaming dalawa. “Hmm… sabihin mo na.” Itinuro niya ako at saka umiling. “Ayoko! Da-Dapat mangako ka muna na wala kang gagawin sa akin!” Bumuga ako nang malalim. Talagang iniisip nito na may masama akong gagawin sa kanya. “Pangako!” malakas na sambit ko. “A-Alam mo… ne-never pa ako nagkagusto sa isang lalaki. Ma-Mahirap para sa akin ang magtiwala.” Humaba ang nguso nito at saka ipinikit ang mga mata. Nangalumbaba ito gamit ang isang tuhod. “Na-Nakita ko kung paano nasaktan ang Nanay ko kaya ayokong… a-ayokong magmahal dahil alam ko na masasaktan lang ako. Isa pa, hindi na ako naniniwala sa true love da-dahil… nakatakda na akong ikasal sa isang lalaki na pi-pinili ng aking a- …” Tumigil na ito sa pagsasalita at narinig ko na lamang na humihilik na ito ng malakas. Tinitigan ko ang mukha ni Shyra. Hindi nakakasawang pagmasdan ang maamo nitong mukha. Napansin ko ang peklat nito sa may batok. Tumayo ako para lumapit dito. Itinaas ko ang aking kamay upang tignan ang peklat nito sa may batok ngunit bigla na lamang itong natumba. Nahawakan ko ang likod ng ulo ni Shyra. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama at nilagyan ito ng unan. Bumuka ang mga labi nito habang naghihilik. Muli akong napailing habang pinagmamasdan ito. Inayos ko ang kumot para itakip sa katawan nito. Muli akong napatingin sa mga mapupulang mga labi ni Shyra. Napalunok ako ng dalawang beses. Naaakit akong hagkan ang mga labi nito. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa may pisngi nito. At sa ginawa ko ay bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Hinila iyon ni Shyra at naging dahilan para mawalan ako ng balanse at mapahiga sa tabi nito. “K-Knight…” mahinang sabi nito sa pangalan ng lalaking iyon. Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Tumingin ako kay Shyra na nakapikit habang nakaharap sa akin. Isang pulgada lamang ang layo ng aming mga mukha sa isa’t isa. Akma akong babangon ngunit itinaas ni Shyra ang kaliwa nitong paa at ipinatong iyon sa aking baywang. At saka niya ako niyakap nang mahigpit. Bumilis ang t***k ng aking puso habang hindi ako halos makakilos sa paraan ng pagkakayapos ni Shyra sa akin. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng lambanog na ininom nito. Wala akong nagawa kun’di ipikit na rin ang aking mga mata at matulog sa tabi nito. KINAUMAGAHAN nagising ako sa matinding sikat ng araw. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko na wala na roon si Shyra. Bumangon ako sa kama at tinignan ang aking wrist watch. Alas otso na pala ng umaga kaya pala mataas na ang sikat ng araw. Nag-iinat ako ng aking magkabilang mga kamay nang may marinig akong naghihilik sa may sahig. Laking gulat ko nang makita ko si Shyra na nakahiga sa sahig katabi ng unan. Mukhang nalaglag ito sa kama. Iniyuko ko ang aking ulo at saka tumingin ito. Marahan kong pinisil ang ilong nito at nang magmulat ito ng mga mata ay nagkatinginan kaming dalawa. Bigla itong tumayo kaya naman nagkauntugan kaming dalawa. "Aray!" Pakiramdam ko mabibiyak ang ulo ko dahil sa ginawa nito. Hindi ko akalain na sobrang tigas pala ng ulo nito. “Bo-Bossing! Ano-Anong ginagawa mo rito sa---” Hinawakan ko ang aking noo na bumukol. “Hindi mo na maalala! Ang sakit nito, Shyra! Ang tigas ng ulo mo!" pagrereklamo ko. Niyakap nito ang sarili na para bang may pinapakiramdaman. “I-Ibig sabihin… may… may nangyari sa ating dalawa?” mahinang tanong nito sa akin. Dumiretso ako sa banyo at tinignan ang bumukol na noo ko. Naghilamos na rin ako at saka nagmumog bago ito balikan. Bigla niya akong hinatak at isinandal sa may pader ng aking kuwarto. Hindi ko akalain na magagawa nitong gawin iyon sa akin. Lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko dahil pati likod ko malakas na lumapat sa pader. “Panagutan mo ako!” sigaw nito sa akin. Malakas ko siyang itinulak. “P’wede bang magmumog ka muna! Ang lakas ng amoy ng lambanog na ininom mo kagabi! Gusto mo pa akong pilayan!" Bigla itong napatakip sa bibig at mabilis na nagtungo sa loob ng banyo. Ginamit nito ang mouthwash ko na naroon at habang nakatingin ako sa kanya ay nakatingin din ito sa akin. Itinaas nito ang kamay at saka inihiwa iyon sa may leeg habang seryosong nakatingin sa akin. Pinagbabantaan pa yata nito ang buhay ko! Pagkatapos nitong maghilamos ay ipinusod nito paaitas ang buhok. Inalis nito ang contact lens at saka kinuha ang towel ko sa may cabinet. Nilapitan niya ako habang hawak ang puting towel na isinampay nito sa balikat. “May na-nangyari ba sa atin?” mahina at seryosong tanong nito sa akin. Sa itsura nito para itong maiiyak na hindi ko maintindihan. Nginisihan ko si Shyra para lalo itong maguluhan. “Paano kung may---” Humalukipkip ito sa aking harapan at ibinukol ang dila sa loob ng bibig. Pagkatapos ay kinagat nito ang ibabang labi at saka tinapik-tapik ang magkabilang pisngi. Umiling-iling din ito at saka inihagis ang puting towel palikod. Bumagsak iyon sa may gilid ng kama ko. “Panagutan mo ako! Wala ka ng gagawin ngayon kun’di pakasalan ako! Hindi ako papayag na manganak ako na walang ama ang ipagbubuntis ko." “A-Ano?!” Halos lumuwa ang aking mga mata sa narinig ko. “Pagkatapos mong kunin ang Bataan, gano’n-gano‘n na lang iyon? Hindi ako papayag! No way!” mariing sabi nito sabay hatak sa batok ko. “Naiintindihan mo ako!” “Baliw ka na!” May kinapa ito sa pagitan ng dibdib at saka ito umiling. Mayamaya pay tumawa ito nang malakas. “Vi-Virgin pa pala ako.” Tinapik nito ang aking pisngi na namumula. Hindi ko magawang matawa habang nakatingin dito na hawak ang pagitan ng dibdib. Mayamaya ay napahawak na din ito sa may binti. May lalong lumakas nag pagtawa nito. Nanatili naman akong nakatayo sa may pader at pinapanood ito na tila sinusuri ang sarili. “Kung anuman iyong nangyari kagabi sa ating bossing, kalimutan mo na lang. Ayokong paasahin kita dahil masasaktan ka lang.” Tinungo nito ang pinto ng aking kuwarto. “Hindi kita gusto, Shyra!” matigas na sabi ko. “Hindi ko type ang mga katulad mo!” “Same… same lang bossing. Sige, aalis na ako. Humanap ka na ng kapali---” “At bakit ka aalis? Hi-Hindi naman kita sinisisante, a.” Hindi ako makatingin sa mga mata ni Shyra. “Dito ka lang at hu-huwag kang aalis.” “Bo-Bossing?” untag sa akin ni Shyra na nasa tabi ko na pala. “Please…” Tinapik nito ang akong balikat ng tatlong beses. "Pakiulit mga bossing, medyo mahina." "Please, kailangan ka ni Ice." Nginitian ako ni Shyra bago ito humakbang palayo sa akin. “Noted, bossing!" malakas na sabi nito bago umalis ng aking kuwarto. Inihatid ko siya ng tingin habang palabas ng pinto ng aking kuwarto. Nanghihina ang aking mga tuhod na napaupo sa gilid ng kama ko. “Sira ulo ka talaga, Shyra!” mahinang sambit ko na may ngiti sa aking mga labi. Dinama ko ang aking likod. Mukhang kailangan ko ngayon ng manghihilot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD