Kabanata 7: Aso't Pusa

1273 Words
Luna’s PoV KASALUKUYAN akong nasa kuwarto ni Ice at inaayos ko ang mga laruan niya. Inilalagay ko ang mga iyon sa mga itim na storage box. May nakita din akong maleta na naroon sa ibaba ng kama. Wala iyong laman kaya minabuti ko na ilagay iyong sa ilalim ng kama. Mas malaki pa ang kuwarto ni Ice sa apartment na inuupahan ko sa La Union. Alas diyes ngayon ng umaga ay nasa study room ang alaga ko, dumating kasi kanina ang teacher nito. Ang sabi sa akin ni Manang Berry ay dalawang oras daw ito nag-aaral tuwing alas diyes ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. Mathematics ang itinuturo kay Ice. Mukhang kaya kong turuan si Ice kapag wala akong ginagawa. Habang naglilinis ako ng kuwarto ay naalala kong tawagan si Knight. Nagpalit lang ako ng number at de keypad ang gamit ko ngayong cellphone. Isinuot ko ang earphones ko at saka ibinulsa ang aking cellphone. “Hello, Knight?” bati ko sa kabilang linya nang marinig ko ang boses ni Knight. “Shy, kahapon ko pa hinihintay ang tawag mo, a. Kumusta? Nasaan ka na?” Bumuga ako nang malalim. Binuksan ko ang sliding door na bintana ng kuwarto ni Ice at saka ako sumandal sa may railings. “Heto, buhay pa naman ako. Huwag mo na ring alamin kung saang lupalop ako naroon. Oo nga pala, Knight. Si Thunder ko nga pala, nasundo mo na?” Humalukipkip ako at saka tumingin sa may garden. Naroon sa swimming pool ang boss ko at nagbabad. “Oo, dinala ko na muna sa bahay. Kinumutan ko na rin para hindi lamigin.” Narinig ko ang malakas nitong pagtawa sa kabilang linya. “Miss na kita.” Napaubo ako sa sinabi ni Knight. Bago sa akin ang mga salitang iyon. “Sira! Hindi ka ba nakainom ng gamot mo? Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo diyan.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. “Hindi naman ako nagbibiro, Shy. Miss lang talaga kita. Basta kung may problema ka huwag kang mahihiya na tawagan ako ha. Iyong sahod mo nga pala nabigay na ni Sir Seige at nasa ATM mo na. Huwag mong damutan ang sarili mo, Shy. Kumain ka ng masarap, baka mamaya pumayat ka.” Napangiti ako sa sinabi sa akin ni Knight. Muli akong tumingin sa gawi ni Dean at nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin at mukhang galit. “Knight, tawagan na lang kita ulit kapag wala na akong ginagawa.” Hindi ko na sinabi kay Knight kung nasaan ako at kung ano ang trabaho ko. Mas mabuting walang nakakaalam kung nasaan talaga ako. Pinindot ko ang end button ng cellphone ko at inilagay iyon sa aking bulsa. Bumuga muli ako ng malalim at saka ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Ini-lock ko na rin ang sliding door ng kuwarto ni Ice at isinara ang blinds. Pagkatapos kong iligpit ang mga kalat ay kinuha ko ang mga maduduming damit ni Ice na nasa laundry basket. Isinara ko ang pinto at saka ako bumaba ng hagdan. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa may laundry area na nasa gilid ng bahay ni Dean. Naroon ang automatic na washing machine, mga gamit sa paglalaba katulad ng mga sabon, liquid detergent at fabric conditioner. Naroon na rin ang mahabang sampayan at mga hanger. “Oras ng trabaho pero nagawa mo pa ring makipag-usap sa cellphone mo. Alam mo bang bawal iyon?” nakalukikip si Dean sa harapan ko at nakasuot ng bathrobe nitong kulay itim. Muli akong bumuga ng malalim. “Sabihin mo na kung ano pa ang mga bawal. Sinabi ko lang naman sa kapatid ko kung nasaan ako ngayon, masama po ba iyon, boss?” Hindi naman ito kaagad na nakasagot. Inilagay ko ang mga damit ni Ice at saka ito binalingan. “Akala ko pa naman mabait ka pero hindi pala. Hayaan mo, boss. Lahat ng bawal ay susundin ko. Sabihin mo lang sa akin kung anong oras ako p’wedeng magpahinga. Hindi naman kasi p’wede na 24/7 ang trabaho ko. Kahit nga makina nag-o-over heat,” pagrereklamo ko rito. “Sige, may day of ka tuwing linggo lang. Nandito kasi ang Nanay niyan. Kapag tulog na si Ice p’wede ka na ring magpahinga.” Tinalikuran ako ni Dean. “Katulad ng sinabi ko hindi ako likas na mabait, Shyra. Nakilala mo ako na hindi mo alam kung ano talaga ang ugali ko. Ngayon, alam mo na pwede ka namang umalis dito kung gusto mo, madali lang sa akin na kumuha ng Yaya na ipapalit ko sa iyo.” Naglakad na ito palayo sa akin. “Tsk,” mahinang sambit ko sa kawalan. Natakasan ko nga ang sarili kong ama pero nandito naman ako sa bahay ng isang mabangis na leon. Siguro kaya ito masungit dahil wala itong love life o kaya naman iniwan ng girlfriend, o ang mas matindi ipinagpalit ng asawa sa iba. Malungkot ang buhay nito. Kawawa naman. Magtitiis na lamang ako sa masamang ugali ng boss ko kaysa naman makita ako ng aking ama at ipakasal ako sa Vicente na iyon. PAGSAPIT ng hapon ay nagtungo kami ni Ice sa basketball court. Nasa likod ng bahay ni Dean. Nakalagay ang ring sa pader ng mataas na bakod nito. Itinali ko ang aking buhok at saka ko kinuha ang bola na iniaabot sa akin ni Ice. “Yaya, marunong ka ba talagang mag-basketball? Alam mo po bang si Tito Dean marunong din pong maglaro.” Sinundan ako ni Ice habang nagdri-dribble ako ng bola. Gumalaw ang mga paa ko palabas at papasok bago ako lumandag at itaas ang aking mga kamay upang i-shoot ang bola sa ring. “Ang galing mo, Yaya!” sigaw sa akin ni Ice nang pumasok sa ring ang bola. Nakipag-apir ako sa kanya. “Ikaw naman, try mo.” Ipinasa ko kay Ice ang bola. Ang kuwento sa akin ni Manang Berry malikot daw ito. Ngunit sa nakikita ko, gusto lamang nito ng kalaro. Malaki ang bahay ni Dean at malawak ngunit nakakulong ang batang ito sa mataas na pader at hindi man lang nito maranasan ang ginagawa ng ibang mga bata. Tumakbo si Ice ngunit nadapa ito. Mabilis niya itong linapitan at pinatayo. Ngunit nakita niya na dumudugo ang tuhod nito dahil sa pagkakagasgas sa semento. Umiyak ito ng malakas kaya naman kaagad kaming nakita ni Dean. Nang makita nito ang tuhod ni Ice ay kaagad itong lumapit sa amin. “Naglalaro lang siya at nadapa. Gasgas lang iyan gagaling din iyan kaa---” “Palibhasa kasi hindi ka nag-iisip!” sigaw sa akin ni Dean. Napapitlag ako sa pagkagulat. Napatingin ako sa kanya. “Kung ano-ano kasi ang itinuturo mo sa kanya! Ayan tuloy, nadapa at dumudugo na ang tuhod! Ano ba talaga ang alam mo sa pag-aalaga ng bata?! Napakat*ng* mo!” Masama kong tinignan si Dean. “Gasgas lang iyan, boss. Hindi iyan malalim. Normal sa isang bata na masugatan dahil naglalaro siya. Hindi mo ba naranasan na maging bata, boss? Huwag mong sabihin sa akin na ipinanganak kang ganyan kalaki!” naiinis na sabi ko sa kanya. “At hindi porket boss kita sasabihan mo na akong t*ng*! Perpekto ka ba ha?” iretableng tanong ko rito. “Halika na nga Ice, dadalhin ka namin sa emergency!” Binuhat ko ang alaga ko at saka kami naglakad palayo rito. Lalong umiyak ng malakas ang alaga ko dahil sa sinabi ko. Ang sama talaga ng ugali ng boss ko. Hindi yata maganda ang naging childhood experience. "Kalma, Luna. Mas matapang ang erpat mo kaysa kay Dean," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa loob ng bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD