"What happened, son? How did you ended up here in the hospital?" tanong ni Claire sa anak. Lahat ng galit, hinanakit at pagkamuhi sa mundo ay natunaw nang nasilayan ang anak na halos hindi na makilala dahil sa kapayatan. "Hey, people! Huwag n'yong hintaying muli akong tubuan ng sungay dahil hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko oras na tuluyan akong magalit!" Napataas na naman ang boses niya dahil na rin sa nanatiling tahimik ang mga taong nandoon. Kahit nga ang asawa niya ay walang kaimik-imik. Kaya naman ay pinagala niya ang paningin. Kaso bago pa niya muling mabuksan ang labi ay natigilan siya. Dahil ang anak na naka-dextrose ay hinawakan ang palad. "Yes, anak. Ano iyon? May gusto ka bang kainin? Nagugutom ka ba?" tanong niya ngunit nanatili itong nakatingin sa kaniya. Kaso mas