CHAPTER SEVENTY ONE

1559 Words

"Huwag n'yo akong tingnan ng ganyan, Mommy, Daddy. Aba'y ako ang bunso kaya't nararapat lamang na ako ang huling mag-aasawa." Animo'y nasukol na kriminal si Victoria Katherine dahil umiling-iling na nga ay nakataas pa ang palad. "Tsk! Tsk! Hindi naman doon nakabase ang pag-aasawa, bunso. Aba'y kahit ikaw ang bunso kung nais mo ng mag-asawa ay walang problema. Ang sabihin mo ay talagang wala kang kasintahan kaya't hindi ka pa puwedeng lumagay sa tahimik." Nakangising pang-aasar ni Stanley sa bunsong kapatid. Sa katunayan ay maari itong itabi sa mga international models. Kahit nasa military department ito at malakas kumain ay sexy pa rin. Maraming manliligaw at iba't ibang lahi pa. Subalit sa unang araw pa lang nang pagligaw ay sumusuko na. Dahil na rin sa tapang nito. Sa madaling salita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD