"Huwag n'yong sabihing kayang-kaya kayong talunin ni Princess? Aba'y dalawa kayo laban sa iisa. Tsk! Tsk!" napailing-iling na saad ni Claire. Aba'y sino ba ang hindi mapapailing kung dalawang katao ngunit tinalo na nga ng bunso nilang anak at dinala pa ng sabayan sa dungeon. Nagmistula pa nga silang mga preso dahil hila-hila nito. "Masyado kasing harsh itong besty ko, Mama/Auntie. Promise hindi ko po siya tinulungan. Siya po mag-isa ang gumawa sa bagay na iyan." Nakangiting itinaas ni Isabelle ang mga palad na wari'y nanunumpa. "I believe you, Hija. Dahil kilala ko ang besty mo kung magalit. And besides, since when you both arrived?" Baling ni Claire sa matalik na kaibigan ng anak. Kaso! "Kamo, Mrs Miller, kayang-kaya niyang gawin ang hindi magawa-gawa ng ilang libong sundalo." Hindi