NAGTAMA ang blangkong tingin ni Dashiel at nalilitong imahe naman ni Violet. "A-anong palabas 'to, Warden?" naguguluhang tanong niya. "Paanong naging ikaw si Ozan Yildiz? Kailan ka pa nagpalit ng pangalan? O nagpapanggap ka lang na siya?" "We didn't hire you, Miss Martinez, just to throw me nonsense questions. Nangangailangan ka kamo ng trabaho kaya tinulungan ka ng tauhan ko." "H-hindi ko inaasahan na makita ka rito," aniya. "Totoo ba ito? Ikaw ang may-ari ng YZ Holdings? Ang Presidente? Ganiyan ba kalawak ang kapangyarihan mo na kahit saan ako naroon, naroon ka rin?" Hindi man lang siya sinagot ng binata. Tinaasan lang siya ng mga kilay na para bang walang silbi rito anuman ang sinasabi niya. "Hindi ako nakikipaglaro sa'yo, Warden. Trabaho ang pinunta ko rito." "Good. Then do your