SALUNGAT sa inaasahan ni Violet, negatibo ang naging resulta ng pag-apply niya ng trabaho sa pinapasukang restaurant ng dating kasamahan. Nahuli na raw siya dahil nakapag-hire na ng mga bagong tauhan ang boss nito. "Sorry talaga. Violet! Hayaan mo, sa susunod na magkaroon ng bakante ay ipaparating ko agad sa'yo. Hindi ko talaga kasi alam na may nakuha na pala." "Maraming salamat pa rin sa tulong. Hindi na rin ako magtatagal." "Oo, sige. Pero pasensya na ulit. Nasayang ko lang ang oras mo." "Ano ka ba, ayos lang 'yon! Gano'n talaga kapag naghahanap ng trabaho. Ikaw nga riyan ang naabala ko. Minalas lang naman ako ngayon, pero baka palarin na ako sa susunod." Sinundan pa niya ng ngiti ang sinabi para kahit paano ay hindi naman ma-guilty ang kaibigan. Hindi muna dumiretso ng uwi si Viole