DALAWANG linggo ang lumipas sa buhay ni Violet. Sinunod ni Dashiel ang hiling niya na ibalik siya nito sa kaniyang pamilya. Nakabalik nga siya nang maayos at matiwasay. Natuwa ang Tatay niya nang makita siya. Kasalungat nga lang ang reaksiyon ng madrasta at kapatid niya, pero ang malinaw ay naroon na ulit siya sa mundo na para sa dalaga ay mas nararapat dahil doon magiging tahimik ang buhay niya. "O, ano na?!" bungad ni Tita Gimena kay Violet nang makauwi siya. "Anong balita sa paghahanap mo ng bagong trabaho? Wala pa rin? Sinasabi ko na sa'yo, lalayas-layasan mo 'yong bangko tapos ngayon ano, nganga ka na ulit?! Iniwan mo pa ang nobyo mo, eh, kayang-kaya ka na ngang buhayin noon! Paano ngayon 'yan? Eh, di pare-pareho na naman tayong nakaasa sa ama mo?! Hindi ka na naawa sa Tatay mo!" D