MAY ilang minuto nang gising si Violet. Nakaupo lang siya sa gitna ng kama at nakasandal sa headboard. Umaga na iyon, pero malinaw pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kakahuyan kagabi. Parang panaginip, pero alam niyang totoo ang lahat. Katunayan ay ang mga galos sa katawan niya sanhi ng pagkakahagis sa kung saan-saan at ang pakiramdam na tila namamagang pisngi. Lahat ng iyon, gawa ng lalaking nakabantay sa pinto ng offfice ni Dashiel. Gawa no'ng Baron na 'yon. Resulta ng galit nito kay Dashiel na tumagos sa kaniya at nang matiyempuhan siya ay hindi na nagsayang ng oras. Salamat na lang at dumating si Dashiel. Siguro ay nagising ito at nakitang hindi pa siya nakakabalik sa kama kaya hinanap agad siya. He saved her. Buhay pa siya ngayon dahil kay Dashiel. Pero ang lalakeng 'yon... Nap