Five years ago. HE chose life. Pinili ni Dashiel ang mabuhay dahil naroon ang pag-asa na makita pa ulit niya ang babaeng mahal. Hindi lang niya inakalang hindi pala ganoon kasimple ang lahat dahil pagkatapos magdesisyon ay sinimulan na ng mga tao ni Emir ang pagpapahirap sa kaniya. Sinaktan at pinagtulungan siyang bugbugin ng mga ito habang nakabitin ang mga braso niya sa kadena at kontrolado ng tanikala ang mga paa. Wala pa siyang kain. Wala ring maayos na tulog dahil buong magdamag at buong araw siyang nakatayo. Tanging tubig na isinasaboy sa mukha niya ang dumadaan sa kaniyang lalamunan. "That's enough!" sigaw ng tumatayong lider at tinantanan na siya ng mga tao ni Emir. Hinang-hina siya pagkatapos. Napangiwi siya sa tinamong bugbog. Nakita niya ang pagpatak ng pinaghalong pawis