"NEGATIVE, Ninong," imporma ni Deniz sa mafya babasi. "Nahihirapan ang mga tao natin na tukuyin kung paano naglahong bigla ang babaeng ‘yon." Humugot siya ng hangin pagkatapos magpaliwanag. Dahan-dahang humarap sa direksiyon niya si Don Emir. Inihanda niya ang sarili. Alam niya sa simula pa lang na hindi katanggap-tanggap ang mga ganoong klase ng sagot at impormasyon, pero kailangan niyang magpakatotoo. Naisahan siya ni Ozan. "Si Ozan? Siya lang ang pwedeng makapagturo kung nasaan ang babaeng 'yon." "Nakasunod kami sa bawat galaw ni Ozan, Ninong. Naroon kami sa lahat ng lugar na pinupuntahan niya. Wala rin kaming nakuha. Mukhang pinagplanuhan itong mabuti ng ampon mo." Nakita ni Deniz ang mabagal at puno ng pagkadismayang iling ni Don Emir at kasunod agad noon ang ingay ng nabasag na