Kilala niya ang kuwintas na suot nito. Nakita na niya iyon matagal nang panahon ang nakakaraan. Kung saan, sa bansang Japan. Pinagtataka niyang nasa babaeng kaharap ang kwintas gayong sa isang matandang madre niya iyon nakita. Paano niya makakalimutan? Iyon ang araw na una siyang nakaramdam ng kilabot nang makaharap ng isa lamang tao. "Bitiwan mo siya Midas! Ako ang harapin mo." Utos sa kanya ni Victoria. Napakaseryoso ng mukha at diretso lang ang tingin sa kanya. "Bitiwan ba?" Sarkastiko nitong tanong at walang anu-anong binitiwan nga ang lalaking kanyang sakal-sakal na wala ng malay. Bumagsak na lamang sa lupa ang katawan nitong puno ng sugat at mga paso sa iba't-ibang parte ng katawan. Umuusok pa ang mga sugat at ang kanyang damit na suot. Si Midas naman ang tumingin ng masama kay V