Matapos ang pagpupulong ng anim ay nagdesisyon nang umalis si Midas dahil may negosyo pa siyang kailangan asikasuhin. Isang illegal na pasugalan sa internet kung saan kumikita siya ng milyon sa loob lamang ng ilang oras. Kasosyo niya ang kanyang nakatatandang kapatid sa negosyong ito ngunit dahil natural na sa kanya ang maging ganid sa lahat ng bagay ay lagi siyang lamang sa kitaan. May mga side business niyang hindi alam ng kanyang mga kapatid at tanging siya lang at mga tauhan ang nakakaalam. Sa ganitong paraan siya nabubuhay. Silang magkakapatid ay nagpapanggap na mga tao at nagpapalipat-lipat sa iba't-ibang mga bansa upang hindi sila pagdudahan ng mga tao dahil ang mga itsura nila'y di tumatanda kahit libu-libong taon na silang nabubuhay at nagpapagala-gala sa mundo at sa Pilipinas n