Victoria's Point of View Dapit-hapon na at natapos na ring maikabit ang naikabit ang bagong pinto ng aming bahay. Ang binatilyong si Cole ay nagprisintang siya na ang tutulong kay Mama sa kusina. Nakapagpahinga naman na raw siya. Pinabalat at pinaghiwa lang siya ni Mama ng mga rekado para sa iluluto niyang Afritada. Nakausap ko na ang mga magulang ko tungkol sa hiling ni Cole na manatili muna sa'min dahil natatakot siyang bumalik sa kanila ay wala na siyang alam na ibang mapupuntahang kamag-anak nila. Hindi niya rin alam kung nasaan na ang ina niya't mga kapatid mula ng umalis sila. Kinausap ko muna sina Mama at Papa ng kami lang bago namin tinawag si Cole. Ikinuwento ko lahat ng sinabi niya kanina sa'kin at tinanong pa siya nila Mama at doon ko nalaman ang iba pang mga nangyari sa