Ayaw ni Victoria na ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari at ano ang rason kung bakit mas pinili niyang lisanin ang kanilang bahay dahil tiyak siyang mag-aalala lamang ang mga ito sa kanila. Kasama niya pa rin si Azrael na tahimik lang sa kanyang kinauupuan. Hindi pa nagpapakita si Daniel at hindi niya alam kung bakit ito natagalan. Ang sabi ni Azrael umalis ito sa katawan niya nang madala na niya sa kanyang silid ang nahimatay sa pagod na dalaga at nagpaalam itong aalis muna at ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ito nagpapakita. Imposible namang hindi ito makasunod at hindi alam kung nasaan sila. Ito ang taga bantay niya at kahit nasaan siya'y kaya nitong masusundan siya. Madilim ang daan dahil walang kuryente. Walang ilaw ang mga poste maging ang mga kabahayan dahi