NARAMDAMAN ko ang pag-upo ni Grant sa tabi ko. Nagmulat ako at nakita siya na inilalapag ang bote ng brandy, ice bucket at dalawang baso sa center table. Nilingon niya ako at nagkibit ng balikat. “I guess you need this.” I smirked. Grant and I were talking about a certain case na hawak ng isa sa mga associates ng firm pero, nang lumaon ay wala na akong masabi. My thoughts drifted back to what happened in Arevalo’s house. Naalala ko ang tanong ni Gigi. Naalala ko ang mga sinabi niya. If I were correct, she was into something that would set her free from our marriage. Gusto niyang tuluyan akong hiwalayan. Umalis ako sa pagkakahilig sa sandalan ng sofa at umupo nang maayos. Nagkusa na rin akong maglagay ng yelo sa aking baso. “Boy scout ka ba dati? Parang hindi naman.” “Boy scout ako, M