NA-DISCHARGE na rin kami pagkatapos lumabas ang results sa huling tests kay Matthew. Sa condo na kami tumuloy at nagpahinga lang ng isang araw, pero kinabukasan ay nagpunta kami sa police station para makita ang nangyari sa pamamagitan ng CCTV footage sa gasolihanan. “Nakita rin ang motorsiklo na umaaligid sa mga katabing kalye. Halatang may hinahanap. Marahil ay naiwala ninyo ang mga suspect habang nakasunod sa sasakyan n’yo.” “’Yan din ang naisip ko. Dahil kung kasunod pa rin namin sila, baka pinaputukan na nila kami bago pa makarating ng gasoline station.” “Delikado ang ginawa mo riyan, Attorney," komento ng isa pang opisyal habang tinuturo ang tagpo kung saan gumugulong si Matthew sa kalsada. "You could have broken your bones from jumping from the driver seat through the passenger