NASA ospital na kami nang magpaalam si Grant. Pinakisuyuan lang daw nito ang amang si Dr. Zamora na ihatid si Celine. "Celine's home. Babalik na lang ako bukas.” Hindi sana gustong umuwi ni Ma’am Emilia. Ang balak niya ay samahan ako na magbantay kay Matthew, pero magkatulong sina Matthew at Sir Damien sa pagpapauwi rito. “You don’t have to worry. Kaya na ng mag-asawa na asikasuhin ang isa’t isa. At may dalawang officer na nakatalaga sa labas ng kwarto para sa security nila.” Kinaumagahan ay dumating si Mr. Amado. Katatapos lang namin mag-almusal at naka-schedule si Matthew para sa MRI. Dumaing kasi ito ng sakit ng tiyan kaninang madaling-araw. “What happened? Sino ang gumawa noon sa’yo? May kaaway ka ba?” “Wala akong kaaway, Mr. Perez, pero alam ko na maraming tao ang galit sa akin