MABIGAT ang dibdib na bumalik ako sa aking kwarto. Doon ako nag-isip-isip. Ano ba talagang motibo ni Matthew? Dapat ay malaman ko kung ano bang gusto niyang mangyari sa amin kaya kailangang makagawa ako ng paraan na lumabas mamayang gabi. “Sir Nick, ipinatawag mo raw po ako?” Pagkatapos ng hapunan ay pinuntahan ko si Sir Nick sa office niya. Hindi ko magawang pasiglahin ang mukha ko kahit nang kaharap ko siya. Kanina nga habang kumakain si Joshua ay madalas akong matulala pero, mabuti na lang ay walang nakakapansin. “Gigi, what’s happening to you? Napansin ko na parang hindi mo gustong tulungan ka ni Atty. Gregorio?” Natigilan ako. Akala ko ay walang nakapansin sa akin pero, meron pala. “H-hindi naman sa gano’n, Sir Nick. Gusto ko lang alamin ang pasikut-sikot ng kaso.” “Let your l