Bago tuluyang lumabas ay kinuha muna nila si Baby Nicole na kasama ng kaniyang pamilya sa gilid ng swimming pool. Para makita agad ito ng pamilya ni Nicolas. Paglabas pa lang nila sa garahe ay saktong huminto naman ang isang itim na Limousine. Sa sasakyan pa lang ng mga ito ay kinabahan na si Kan. Lalo na nang bumaba mula roon ang dalawang nagagandahang babae at isang binata. Agad niyang nahulaan na mga kapatid iyon ni Nicolas. Dahil bukod sa magkakamukha ay madalas din nitong ikuwento sa kaniya ang mga ito. Nakikita rin niya ang mga ito sa pictures na nasa bahay noon ni Nicolas sa Las Vegas at pati rito. Sunod namang bumaba ang mag-asawa na sa tantiya ni Kan ay parehong nasa sixties yata. Sa isang tingin pa lang niya ay nahulaan na niya na mga magulang ito ni Kan. Magkakahawig kasi ang m