Sa Probensya. "Nasaan na kaya ang Jessica na iyon? Nakita ko pa siya kaninang umaga dito ei. Kagabi naman nasa plaza siya at nakipagsayawan, bigla-bigla ang pag-alis ng pasaway na iyon wala manlang pasabi," naiiling na wika niya sa pinsang si Aileen na busy sa pagti-check ng mga natira nilang stock. Hindi lang siya nito pinansin, patuloy lamang ito sa ginagawa. Galit pa rin talaga ito sa desisyon niya. Gabi na, marami na ulit tao sa plaza balak sana niyang makipagsayawan ulit pero ayaw ni Aileen. Talagang masama ang loob nito, kanina kasi nang nakita nitong karga ni Solomon ang anak nila, ang nais nito pinagbigyan nya daw muna sana iyong mag-ama. Napangunahan kasi siya ng takot baka makahalata si Solomon na nagsisinungaling siya. Baka mahalata nito na kamukha nito ang kanyang anak, b