Mabilis na bumaba ng kotse sina Carlota at Solomon at nilapitan ang tatay niya na nag-aamok. "Tay tama na po mahiya naman po kayo sa mga bisita!" awat ni Carlota sa ama. "Ako pa talaga ang sinabihan mo ng dapat mahiya?! Kayo ng nanay mo ang nakakahiya hindi ako! Ako ang tatay mo, tapos nagdesisyon kayong dalawa na mag-aasawa ka na. Ilang taon ka palang mag-aasawa ka na? Napakadali mo naman kumiringking na bata ka!" galit na pahayag ng kanyang tatay. "Gano'n po ba Tay, oo nga pala noh may tatay nga pala kami. Iyong tatay na walang pagmamahal sa aming pamilya niya. Na walang kwentang asawa at walang kwentang ama. Bakit ko nasasabi to lahat? Alam ninyo yan sa sarili nyo kung anong klase kayong ama, oo sabihin natin na naging mabuting ama kayo sa amin noon pero ano ang nangyari ngayon? N