Gideon-54

1420 Words

Buong lakas niyang tinulak palayo sa kanya si Gideon at binawi ang kamay niyang pigil nito. Nagawa naman niya kaya mabilis siyang tumakbo palapit kay Basty na nakatayo sa di kalayuan. Perfect timing ang pagdating ng kaibigan. Makakaiwas siya sa bastos na si Gideon. Ang makapal na walanghiya nahalikan siya agad sa labi. Kaya nanggagalahiti siya sa galit kay Gideon sa pambabastos nito sa kanya. "Basty," tawag niya sa kaibigan at lumapit rito. "Bastos ang lalaking iyan!" Sumbong niya kay Basty. Wala siyang balak idamay sa problema niya si Basty kay Gideon, kaya lang kailangan niya ang kaibigan ngayon, para maitaboy si Gideon. Baka kasi kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Katulad kanina ang lakas ng loob nitong halikan siya. Anong karapatan nitong halikan na lang siya basta, basta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD